18/07/2026
Assalāmu ‘alaykum wa raḥmatullāhi wa barakātuh.
Sa lahat ng ating mga kalahok sa Firqah: Elmiya at Riyadiyah ng Madrasah Migkampong Moro Al-Islamie, malugod namin kayong binabati at hinihikayat na ibigay ang inyong buong kakayahan.
Tandaan ninyo na ang layunin ng ating pagtitipon ay hindi lamang upang manalo, kundi upang mapalago ang inyong kaalaman (العلم), magandang asal (الأخلاق), at pagmamahal sa Islam. Makilahok nang may katapatan, disiplina, paggalang sa inyong mga g**o, kapwa kalahok, at sa mga alituntunin ng paligsahan.
Lagi nating isaisip ang sinabi ni Allah:
﴿وَقُل رَّبِّ زِدْنِي عِلْمًا﴾
"At sabihin mo: Panginoon ko, dagdagan Mo pa ako ng kaalaman."
(Surah Ṭā Hā 20:114)
Nawa'y maging daan ang Firqah na ito upang lalo kayong maging mabubuting Muslim at Muslimah, may takot sa Allah, at handang maglingkod sa Islam at sa ating komunidad.
Barakallahu fīkum, at nawa'y pagpalain kayo ni Allah ng tagumpay sa dunya at ākhirah. Āmīn.