17/04/2026
The KSU-JEFA team extends its warmest congratulations to Mark Chester Ngaya-an for bagging 5th place in Pagwawasto ng Sipi at Paguulo ng Balita in the National Schools Press Conference in Ormoc City, Leyte!
Chester joined the JEFA Tanudan team during their training for the RSPC Abra where he emerged in the top spot.
Gratitude is also extended to Mr.Milo Diaz of the KSU- The Earthline for the valuable inputs.
Congratulations Kalinga National High School, and thank you for being a part of our JEFA advocacy!
Mula Tabuk Hanggang Ormoc- Ngaya-an, pasok sa NSPC
ABRA— Tinanghal na kampeon si Mark Chester Ngaya-an ng Kalinga National High School, Schools Division of Tabuk City, sa Pag-uulo at Pagwawasto ng Balita, sa katatapos na Regional Schools Press Conference (RSPC) na ginanap sa lalawigan ng Abra.
Ang patimpalak ay nilahukan ng 24 na piling manunulat mula sa iba’t ibang dibisyon ng Cordillera Administrative Region (CAR). Sa bisa ng kanyang husay sa pagwawasto ng mga balita,nanguna si Ngaya-an sa kumpetisyon at itinanghal na pinakamahusay sa naturang kategorya.
Sa panayam, ibinahagi ni Ngaya-an na hindi niya inaasahang siya ang mangunguna sa kompetisyon. Gayunpaman, aniya, nagtiwala siya sa kanyang husay at sa gabay ng kanyang mga tagasanay.
“Hindi ko inaasahang ako ang magwawagi dahil alam kong magagaling ang mga kalaban ko. Ngunit nagtiwala pa rin ako sa Panginoon at sa mga turo at gabay ng aking mga tagasanay,” ani Ngaya-an.
Dahil sa kanyang pagkapanalo, kakatawanin ni Ngaya-an ang rehiyon ng Cordillera sa National Schools Press Conference (NSPC) na gaganapin sa Ormoc City, kung saan magsasamasama ang pinakamahusay na manunulat mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
🧑💻Princess Dulnagon