12/09/2026
Taos-pusong ipinagmamalaki at binabati ng ‘Ang Sinag’ Publication ng Kawit National High School ang ating mag-aaral na si Johnchris Genova sa kanyang natatanging tagumpay bilang Kampeon sa Photojournalism (English) sa Division Schools Press Conference (DSPC) 2026 na ginanap sa Carmen, Cebu noong Setyembre 7-12, 2026.
Ang iyong tagumpay ay bunga ng kahanga-hangang talento, disiplina at dedikasyon sa larangan ng pamamahayag. Ang pagkilalang ito ay hindi lamang personal na tagumpay, kundi isang karangalan para sa ANG SINAG Publication at sa buong pamayanan ng Kawit National High School - Medellin.
Gayundin, buong pagmamalaking kinkilala at binabati ang lahat ng Campus Journalists, School Paper Advisers at Coaches ng Ang Sinag Publication sa kanilang mahusay na pagganap at dedikasyon sa DSPC 2026.
Lubos din ang aming pasasalamat sa lahat na sumusuporta upang makamtan ang tagumpay na ito - sa suporta ng ating mga punongg**o-G. Ronalito Ursal at G. Nazar Abao, sa ating Public Schools District Supervisor Gng. Nenita B. Abello, at sa Municipality of Medellin na pinangungunahan ng ating butihing alkalde- Mayor Edwin Salimbangon para sa tulong pinansyal at patuloy na suporta na ipinagkaloob sa ating mga Campus Journalists sa buong Distrito ng Medellin.
Ang inyong suporta ay nagsisilbing inspirasyon upang higit pang paghusayin ng ating mga mag- aaral ang kanilang kakayahan at patuloy na magsikap para sa karangalan ng paaralan at ng komunidad.
Muli, taos-pusong pagbati kay John Chris Genova at sa buong Ang Sinag Publication ng Kawit National High School.