03/08/2026
📚🇵🇭 Pagbubukas ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 🇵🇭📚
Sa temang "Wikang Pilipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon," buong galak na nakiisa ang Maghanoy Elementary School sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa.
Nawa'y maging inspirasyon ang pagdiriwang na ito upang higit nating mahalin, gamitin, at pagyamanin ang ating sariling wika habang responsable nating ginagamit ang makabagong teknolohiya bilang katuwang sa pagkatuto at pananaliksik. Sama-sama nating ipagmalaki ang ating wikang Filipino bilang tulay sa kaalaman, kultura, at pagkakaisa.
Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang Kulturang Pilipino! 💙❤️💛