25/08/2026
๐ต๐ญ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐
๐๐๐ ๐๐๐๐
โYaman ng Impormasyon, Hatid ng Modernisasyonโ
Sa isang araw na puno ng kaalaman, laro, talento, at pagkakaisa, matagumpay nating ipinagdiwang ang makabuluhang selebrasyon ng Buwan ng Wika na may temang โWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ
Pormal na binuksan ang programa sa pamamagitan ng panimulang pananalita mula sa ating Chairperson na si Dr. Juliet Mandado, na sinundan ng makukulay na intermission presentation at mga larong humamon sa talas ng isip at husay sa wika, kabilang na ang Salinwika at Bugtong.
Hindi lamang talino at talento ang nasubok, sapagkat naging bahagi rin ng programa ang isang makabuluhang paglalahad ni Ginoong Ribuyas, isa sa ating mga tagapagsalita at hurado, na nagbigay-diin sa ugnayan ng wika, teknolohiya, at yaman ng impormasyon.
Samantala, ipinamalas naman ng bawat seksyon mula sa ibaโt ibang baitang ang kanilang pagkamalikhain, kahusayan, at pagmamahal sa Wikang Filipino sa pamamagitan ng kani-kanilang mga presentasyon. At siyempre, hindi kumpleto ang selebrasyon kung walang salo-salo at panibagong bugso ng saya sa mga laro!
Sa pagtatapos ng programa, kinilala at pinarangalan ang mga nagpakitang-gilas, kasabay ng taos-pusong pasasalamat sa ating mga hurado na sina Ginoong Robert Ribuyas at Ginoong Denricks Tecson, sa kanilang oras, husay, at mahalagang ambag sa matagumpay na pagdiriwang.
Sa araw na ito, muli nating pinatunayan na ang Wikang Filipino ay hindi lamang bahagi ng ating kultura kundi ito rin ay buhay na kasangkapan sa pagkatuto, pananaliksik, pakikipag-ugnayan, at pagharap sa makabagong panahon.