04/08/2026
Isang makabuluhang hakbang tungo sa mas matatag na ugnayan ng paaralan, mga magulang, at lokal na pamahalaan ang matagumpay na Seremonya ng Panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng General Parents-Teachers Association (GPTA) ng mga paaralan sa Rosario District para sa Taong Panuruan 2026–2027, na ginanap noong Agosto 3, 2026 sa SB Hall, 3rd Floor, Municipal Building, Rosario, Cavite.
Pinangunahan ang seremonya nina Mayor Jose Voltaire V. Ricafrente at Vice Mayor Joanne Michelle Gonzalez, sa pakikipagtulungan ng mga Public Schools District Supervisors, sina Dr. Rolando B. Talon Jr. at Dr. Edlyn B. Matreo, kasama ang mga punong-guro ng elementarya at sekondarya sa Rosario District.
Sa isinagawang panunumpa, opisyal na nanungkulan ang bagong pamunuan ng GPTA sa pangunguna ni Rodrigo S. Estores bilang Pangulo, katuwang ang iba pang halal na opisyal at Board of Directors na magsisilbing katuwang ng mga paaralan sa pagsusulong ng mga programang nakatuon sa kapakanan ng mga mag-aaral.
Ang seremonyang ito ay sumasalamin sa matibay na paninindigan ng mga magulang at stakeholder na makiisa sa pagtataguyod ng de-kalidad, inklusibo, at makabuluhang edukasyon. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang higit pang mapalakas ang pagtutulungan ng tahanan, paaralan, at pamahalaan para sa ikauunlad ng bawat mag-aaral.
Malugod naming binabati ang lahat ng bagong halal na opisyal ng GPTA! 🎉
Sama-sama nating isulong ang isang mas mahusay, mas ligtas, at mas matagumpay na Rosario District para sa bawat batang mag-aaral.
DepEd Agustin Abadilla Elementary School
DepEd Bagbag Elementary School - Cavite
DepEd David P.Jimenez ES - Cavite
DepEd Mayor Calixto D. Enriquez ES - Cavite
DepEd Rosario Elementary School - Cavite
DepEd Silangan Elementary School- Cavite
DepEd Tejeros Convention Elementary School -Cavite
DepEd Bagbag National High School
DepEd Rosario National High School
DepEd Escuela Secondaria Señor de Salinas - Cavite Province