09/05/2026
📣🎉 BRIGADA ESKWELA 2026 🎉📣
“Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman”
Ang DepEd Tayo Tabora ES-Cavite Province ay buong pusong nag-aanyaya sa lahat ng magulang, mag-aaral, alumni, barangay officials, stakeholders, volunteers, at mga kaibigan ng paaralan na makiisa sa BRIGADA ESKWELA 2026 na gaganapin sa:
📅 June 1–5, 2026
Sama-sama nating ihanda ang ating paaralan para sa ligtas, malinis, at maayos na pagbubukas ng klase. Ang inyong oras, talento, at suporta ay malaking tulong upang maging mas handa ang ating paaralan para sa ating mga mag-aaral.
🧹 Mga gawaing maaaring pagtulungan:
✔️ General Cleaning
✔️ Pagpipintura at pagkukumpuni
✔️ Pag-aayos ng classrooms at school grounds
✔️ Pagtatanim at beautification
✔️ Donasyon ng cleaning materials at school supplies
Ang Brigada Eskwela ay hindi lamang paglilinis ng paaralan kundi isang pagpapakita ng pagkakaisa, malasakit, at bayanihan para sa edukasyon ng kabataan.
👋 Tara na at makiisa!
Mag-volunteer, magbahagi, at maging bahagi ng pagbabago.
📍Venue: TABORA ELEMENTARY SCHOOL