13/06/2026
ISANG TAOS-PUSONG PASASALAMAT MULA SA MCAMES!
Ang buong pamunuan ng Mariano C. Anacay Memorial Elementary School, sa pangunguna ng ating kagalang-galang na Punong-g**o, Sir William Costelo, kasama ang mga g**o, magulang, at mga mag-aaral, ay nagpapaabot ng isang malaking at taos-pusong pasasalamat sa Pamahalaang Barangay ng Bucal!
Maraming salamat po sa pangunguna at walang-sawang suporta ng ating Punong Barangay, Hon. Aniceto Tibayan Dimaano, kasama ang buong Sangguniang Barangay.
Dahil sa inyong handog na mga bagong kagamitang pang-eskwela ng inyong programa, mas lalong nag-alab ang pag-asa at excitement ng ating mga mag-aaral na pumasok at matuto. Ang inyong suporta ay patunay na hindi tayo nag-iisa sa paggabay sa kinabukasan ng ating mga kabataan.
Mabuhay po kayo, Kapitan Aniceto Dimaano at Brgy. Bucal Officials! β€οΈ
12/06/2026
Isang matagumpay na School Orientation at State of the School Address (SOSA) ang matagumpay na naisakatuparan sa ating paaralan sa pangunguna ng ating masipag na Punong G**o na si Sir William Costelo
Sa kanyang ulat, malinaw niyang ibinahagi ang kasalukuyang estado ng paaralan, mga nagdaang tagumpay, at ang mga bagong direksyon at programa para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.
Kasabay ng gawaing ito, matagumpay ding idinaos ang Election of Officers para sa mga bagong lider na magiging katuwang ng pamunuan sa mga susunod na proyekto.
Taos-pusong nagpapasalamat si Sir William Costelo, kasama ang buong kaguruan, sa lahat ng mga magulang at tagapangalaga na naglaan ng kanilang oras upang dumalo at makiisa. Ang inyong presensya at aktibong pakikilahok ay patunay ng isang matatag na samahan sa pagitan ng tahanan at paaralan para sa tagumpay ng ating mga kabataan.
Maraming salamat po!
09/06/2026
π Monitoring of Opening of Classes SY 2026-2027
Today, our school conducted the Opening of Classes Monitoring led by School Principal Sir William Costelo
We were honored by the presence of our PSDS Dr. Edelisa M. Catacutan and District Nurse Maβam Grace Ambat who ensured a safe, smooth, and learner-centered start of classes.
Thank you po for the guidance and support! π
08/06/2026
Matagumpay na idinaos ngayong araw, Hunyo 8, 2026, ang unang araw ng School Year 2026-2027! Sinimulan ang umaga sa pamamagitan ng isang makabuluhang Flag Raising Ceremony kasama ang ating mga mag-aaral, g**o, at magulang, sa pamumuno ng ating School Principal, Sir William Costelo
Tampok din sa unang araw na ito ang isang Gift-Giving Activity na buong-pusong ipinagkaloob para sa mga piling mag-aaral ng MCAMES ng ating katuwang sa edukasyon, Dr. Edgar Tibayan. Malaking tulong ang mga handog na ito upang mas lalong maging masigla at handa ang mga bata sa kanilang pag-aaral ngayong taon.
Isang tapat na pasasalamat kay Dr. Tibayan sa inyong walang-sawang pagsuporta, at kay Sir William sa paggabay sa ating paaralan!
Mabuhay at welcome back, mga mag-aaral ng MCAMES! πβοΈ
08/06/2026
June 4, 2026 | Turnover & Distribution of Gulayan sa Paaralan Intervention Materials
Thank you Amadeo MAO headed by Mrs. Celsa Honrada, and our Municipal Mayor Dr. Jose "Jojo" R. Domingo Jr. for supporting our school garden initiative. From seeds to harvest, we grow with the community! πΎ
07/06/2026
BRIGADA ESKWELA 2026: MATAGUMPAY NA NAGTAPOS! πππ«
Isang makabuluhang Closing Program ang nagmarka sa pagtatapos ng limang araw na bayanihan. Taos-pusong pasasalamat mula sa pamunuan ng paaralan sa lahat ng naging katuwang upang ihanda ang ating paaralan para sa mga mag-aaral.
Isang mataas na pagpupugay sa ating mga Punong Barangay:
π Kap. Aniceto T. Dimaano (Bucal)
π Kap. Antolyn Garcia (Maymangga)
π Kap. Glenn Bayot (Minantok West)
π Kap. Narciso Angcao (Minantok East)
Lubos din ang ating pasasalamat sa sipag at dedikasyon ng mga TUPAD Members, mga magulang mula sa 4Ps, at sa lahat ng ating mga Volunteers at stakeholders na nag-alay ng kanilang oras, lakas, at pawis mula Day 1 hanggang Day 5.
Ang inyong pagkakaisa ang tunay na lakas ng ating komunidad. Maraming salamat po at mabuhay kayong lahat! πβ€οΈ
07/06/2026
Mission Accomplished: Brigada Eskwela (June 1β5) Isang Malaking Tagumpay! π€π«β¨
Matagumpay nating nairaos ang limang araw ng bayanihan! Buong-puso pong nagpapasalamat ang pamunuan ng paaralan sa lahat ng tumulongβmga g**o, magulang, mga barangay officials, volunteers, at mga sponsors na nagbahagi ng kanilang oras, lakas, at donasyon.
Dahil sa inyong walang-sawang suporta, handang-handa at ligtas na ang ating paaralan para sa pagbabalik-aral ng mga bata. Maraming salamat po at pagpalain kayong lahat! πβ€οΈ
07/06/2026
Sama-samang Paghahanda para sa Balik-Eskwela! β¨
Matagumpay na isinagawa ang Kick-Off Ceremony ng Brigada Eskwela, sa pangunguna ng ating masigasig na School Principal, Sir William Costelo, kasama ang ating mga dedikadong Brigada Eskwela Focal Persons, sina Ma'am Joan Mae C. Gloriani at Ma'am Leonila T. Bautista.
Naging mas makabuluhan ang aktibidad sa pagdalo at suporta ng mga kinatawan ng bawat barangay, sa pangunguna ng Punong Barangay ng Minantok East, Kap. Narciso Angcao. Tunay na sa pagkakaisa ng paaralan at pamayanan, mas ligtas at handa ang kinabukasan ng ating mga mag-aaral!
07/06/2026
Wishing you continued good health, happiness, and success in all your endeavors. Happy Birthday, Maβam Rose Ann! π₯³
31/05/2026
π£ PAANYAYA: BRIGADA ESKWELA 2026 KICK-OFF
Muling kumakatok ang Mariano C. Anacay Memorial Elementary School sa puso ng bawat isa upang muling buhayin ang tradisyon ng bayanihan.
Bukas na po, Hunyo 1, 2026, ganap na ika-7:00 ng umaga, ang pormal na simula ng Brigada Eskwela para sa Taong Panuruan 2026β2027.
Ang inyong pakikiisa ay malaking hakbang upang masig**o ang isang handa at ligtas na kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.