Saliksik l Research Annex

Saliksik l Research Annex

Share

Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Cauayan City-Research Annex

Photos from Saliksik l Research Annex's post 15/08/2026

West District Meet '26 โ”‚ Part 2 of 2

๐Ÿ“ธ Angela Acosta, Kelly Cabaro, Roma Faith Crisostomo & Richmhaine Raposas

๐˜’๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ช๐˜ด ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฐ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ด๐˜ข๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฆ.

Photos from Saliksik l Research Annex's post 14/08/2026

Pagbati sa mga Mamamahayag ng CCNHS-RA

Taos-pusong pagbati sa mga nagwagi sa School-Based Press Conference (SBPC) na ginanap sa Cauayan City National High Schoolโ€“Research Annex (CCNHS-RA) noong Agosto 7, 2026.

Nawa'y patuloy kayong mamahayag ng mga makatotohanang balita at ipagpatuloy ang dedikasyon sa paglingkod ng mamamayang Pilipino.

๐ŸŽจ ๐Ÿ“ Ivory Duton, EIC Saliksik

Photos from Saliksik l Research Annex's post 14/08/2026

West District Meet '26 โ”‚ Part 1 of 2

Nakilahok ang mga student-athletes ng Cauayan City National High Schoolโ€“Research Annex (CCNHS-RA) sa unang araw ng West District Meet na ginanap noong Agosto 13, 2026, bilang bahagi ng selection process para sa mga atletang magiging kinatawan ng West District sa mga susunod na antas ng paligsahan.

Kabilang sa mga paaralang lumahok sa nasabing kompetisyon ang Pinoma National High School, West Tabacal National High School, San Antonio National High School, Sillawit National High School, at CCNHS-RA.

Sa unang araw ng paligsahan, ipinamalas ng mga student-athletes ang kanilang kakayahan, disiplina, determinasyon, at sportsmanship sa kani-kanilang larangan.

๐ŸŽจ ๐Ÿ“ Ivory Duton, EIC Saliksik
๐Ÿ“ธ Angela Acosta, Kelly Cabaro & Roma Faith Crisostomo

Photos from Saliksik l Research Annex's post 01/08/2026

Oโ€™ Cmon | Intramurals 2026: Awarding Ceremony | Part 2 of 2

Opisyal nang natapos ang Intramurals 2026. Nagtagisan at nagpasiklaban ang mga mag-aaral upang makamit ang kampeonato, kasabay ng pagpapakita nila ng husay, disiplina, at determinasyon sa iba't ibang kompetisyon.

Masayang tinanggap ng Red Team ang kanilang titulo bilang kampeon. Samantala, ipinakita rin ng Blue Team ang kanilang pagkakaisa, husay, at sportsmanship mula sa simula hanggang sa huling yugto ng kompetisyon laban sa nagwaging team.

Binabati namin ang lahat ng kalahok sa isang matagumpay at makabuluhang Intramurals 2026!

๐ŸŽจ ๐Ÿ“ Ivory Duton, EIC Saliksik
๐Ÿ“ธ Angela Acosta, Kelly Cabaro & Kristel Bongalbal

Photos from Saliksik l Research Annex's post 31/07/2026

Oโ€™ Cmon | Intramurals 2026: Closing Program | Part 1 of 2

Opisyal nang natapos ang Intramurals 2026. Nagtagisan at nagpasiklaban ang mga mag-aaral upang makamit ang kampeonato, kasabay ng pagpapakita nila ng husay, disiplina, at determinasyon sa iba't ibang kompetisyon.

Masayang tinanggap ng Red Team ang kanilang titulo bilang kampeon. Samantala, ipinakita rin ng Blue Team ang kanilang pagkakaisa, husay, at sportsmanship mula sa simula hanggang sa huling yugto ng kompetisyon laban sa nagwaging team.

Binabati namin ang lahat ng kalahok sa isang matagumpay at makabuluhang Intramurals 2026!

๐ŸŽจ ๐Ÿ“ Ivory Duton, EIC Saliksik
๐Ÿ“ธ Angela Acosta, Kelly Cabaro & Kristel Bongalbal

Photos from Saliksik l Research Annex's post 25/07/2026

CCNHS-RA Intramurals 2026 | Mr and Miss Intrams | Part 2 of 2

๐Ÿ–ผ๏ธ๐Ÿ“ Ivory Duton, Saliksik staff
๐Ÿ“ธ Angela Acosta, Kelly Cabaro, Roma Faith Crisostomo, & Richmhaine Raposas

Photos from Saliksik l Research Annex's post 25/07/2026

CCNHS-RA Intramurals 2026 | Opening Program | Part 1 of 2

The opening of CCNHS - RA Intramurals 2026 marks the beginning of a celebration of sportsmanship, unity, and excellence. May every learner embrace the values of discipline, teamwork, and respect as they compete with integrity and determination.

As the games officially begin, let us support one another and take pride in every effort, every challenge, and every achievement. Together, may we create meaningful experiences that reflect the true spirit of unity, cooperation, and success.

๐Ÿ–ผ๏ธ๐Ÿ“ Ivory Duton, Saliksik staff
๐Ÿ“ธ Angela Acosta, Kelly Cabaro, Roma Faith Crisostomo, & Richmhaine Raposas

Photos from Saliksik l Research Annex's post 17/07/2026

Campus Peace and Development Forum 2026

Naging makabuluhan at matagumpay ang isinagawang Campus Peace and Development Forum sa CCNHS-Research Annex sa pakikipagtulungan ng Philippine Air Force (PAF) at iba pang katuwang na ahensya.

Tinalakay sa programa ang mahahalagang usaping may kaugnayan sa kapayapaan, seguridad, at pag-unlad, kabilang ang pag-iwas sa drug addiction, kamalayan tungkol sa West Philippine Sea, at pagbibigay-kaalaman hinggil sa CPP-NPA-NDF at sa mga hakbang upang maiwasan ang panlilinlang at pagrerekrut sa kabataan. Ang mga paksang ito ay nagbigay ng mahalagang kaalaman at kamalayan sa mga mag-aaral upang maging mas responsableng mamamayan.

Mas naging masaya at makulay rin ang programa sa hatid na pagtatanghal ng Philippine Air Force Band, na nagbigay aliw at inspirasyon sa lahat ng dumalo.

Taos-pusong pasasalamat sa Philippine Air Force at sa lahat ng naging bahagi ng programang ito para sa kanilang oras, kaalaman, at suporta sa pagtataguyod ng kapayapaan at pag-unlad sa ating komunidad.

Photos from Saliksik l Research Annex's post 15/07/2026

Isang Puno, Isang Pangako: Para sa Kalikasan

Bilang pagsuporta sa 2026 Division Tree-Planting Activity alinsunod sa Division Memorandum No. 07-013, s. 2026, isinagawa ng CCNHS-Research Annex ang pagtatanim ng mga puno bilang bahagi ng pagpapalawak ng kamalayan at pananagutan sa pangangalaga ng kalikasan.

Sa pamumuno ni Nida A. Pinlac, ASSP II, buong siglang nakibahagi ang mga g**o, kawani, at mag-aaral sa gawaing naglalayong makapag-ambag sa mas luntian, mas malinis, at mas maaliwalas na kapaligiran.

Higit pa sa pagtatanim, ang gawaing ito ay paalala na ang bawat punong inaalagaan ay isang buhay na pamana para sa kasalukuyan at susunod pang henerasyon. Nawaโ€™y patuloy na yumabong ang malasakit ng bawat isa sa kalikasan, kasabay ng paglago ng mga punong itinanim.

13/07/2026

Annexians' First Aiders: Tagumpay na Inuwi!

Bunga ng kanilang sipag, disiplina, at masusing paghahanda, matagumpay na naiuwi ng Annexians' First Aiders ng CCNHSโ€“Research Annex ang 5th Place sa Inter-School First Aid Olympics 2026 noong Hulyo 11.

Sa pangunguna ng kanilang coach na si Sir John Paul E. Domingo, ipinakita ng koponan ang kanilang husay sa first aid at emergency response, na nagsilbing karangalan at inspirasyon sa buong paaralan.

Binabati namin sina John Dexter V. Borres, Aaron Kyle O. Maraggay, Elton John C. Claveria, Prince Yuri A. Vigilia, Jullieann Mae G. Siapno, Ivory B. Duton, at Ma. Czyra Jhanine M. Gabriel sa kanilang kahanga-hangang tagumpay.

Congratulations, Annexians' First Aiders! Patuloy ninyong ipagmalaki ang galing ng CCNHS-RA!

๐Ÿ“ธ Sir John Paul Domingo, Coach

Want your school to be the top-listed School/college in Cauayan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address

Research, Minante I
Cauayan
3305