02/10/2026
Ang buong ka-g**oan at non-teaching personnel ng Divilacan National High School ay lubos na nagpapasalamat sa ating mga minamahal na mag-aaral, sa pangunguna ng ating SSLG Officers, sa pagbibigay ng isang napakasaya at makabuluhang surprise program para sa ating mga g**o.
Maraming salamat sa inyong mga taos-pusong mensahe, inialay na pagkain, awitin, sayaw, at munting mga regalo. Higit sa lahat, salamat sa oras, effort, at pagmamahal na inyong inilaan upang mapasaya at mapahalagahan ang bawat g**o at kawani ng DNHS.
Tunay na nakatutuwa at nakakagaan ng puso ang masurpresa at maramdaman ang pagpapahalaga mula sa ating mga mag-aaral. Kahit sa maikling sandali, nabigyan ninyo kami ng pagkakataong huminto, ngumiti, mag-enjoy, at madama na ang aming mga ginagawa bilang mga g**o ay napapansin at pinahahalagahan.
Mula Grade 7 hanggang Grade 12, ramdam ang inyong effort at enthusiasm. Hindi lamang ang mga g**o ang nasiyahan, kundi maging ang buong DNHSians na nakisaya sa inyong napakagandang inisyatiba.
Maraming salamat, mga minamahal naming mga mag-aaral! Ang simpleng sorpresa na inyong inihanda ay nag-iwan ng malaking saya at magandang alaala sa ating mga g**o. Patuloy kayong maging mabuti, masayahin, at mapagbigay. Ipinagmamalaki kayo ng ating paaralan.
Muli, sa ating mga Teachers at Non-teaching personnels, HAPPY WORLD TEACHERS’ DAY!