22/07/2020
Magandang araw po mula sa SUPANG DATAG NATIONAL HIGH School.
Mga magulang, kaibigan, katrabaho, alumni, mag-aaral, FB friends, and relatives.
Ang pokus po ng Brigada Eskwela ngayong taon ay ang maipagpatuloy ang edukasyon ng mga bata sa kabila ng pandemyang ating nararanasan. At dahil karamihan sa mga mag-aaral ay walang gadgets at internet connection, sila ay mag-aaral gamit ang mga MODULES na ibibigay ng paaralan.
Bagama’t ang ating paaralan ay may pagkukunan ding pondo sa ibang pangangailangan para sa new normal, ngunit hindi ito sasapat upang matugunan ang lahat lahat na pangangailangan.
Kami po ay kumakatok sa inyong ginintuang puso upang tulungang muli ang ating paaralan.
Hindi naman kailangan ng malaking halaga para makatulong, ang isa sa mga pangangailangan ng paaralan na inyong maibibigay ay MALAKING TULONG upang mairaos ng matiwasay ang S/Y 2020-2021.
Ito po ang mga pangangailangan ng ating paaralan ngayong nasa PANDEMIC SCHOOL YEAR.
1. For module printing (priority)
- a ream of A4 bondpaper
-printer
-printer ink
2. Personal Protective Materials
- Facemasks
- Face shield
3. Disinfectants
4. Alcohol
5. Foot Bath
6. Handwashing Soap
7. Reading Materials
Sa mga may busilak na puso na gustong tumulong pa-comment na lamang po.
Kahit isa, kahit ilan,
Kahit ano sa aming listahan.
Pag ito'y aming pinagsama-sama,
Malaking tulong sa mga g**o at bata.
Be one of our BRIGADA HEROES!
Thank you very much and may God bless you a hundredfold 🙏🙏🙏
CTTO