22/03/2026
TAYLOR NO.1 | ABM-GAS🎓
BATCH 2025-2026: "Ang Paglipad"
Sabi sa kanta ng Ben&Ben, "Sa pagkagat ng realidad ng buhay, landas nati'y sadyang magkakahiwalay."
Dati, iniisip lang natin kung kailan matatapos ang dami ng requirements at exams. Pero heto na tayo, gra-graduate na. Ang bilis pala talaga. Nagsimula tayo bilang mga "saranggola" na sabay-sabay lang na nangarap sa loob ng classroom, sa tawanan sa canteen, at sa mga seryosong usapan tungkol sa future.
Ngayon, kailangan na nating makinig sa "ihip ng tadhana." Magkakahiwalay na tayo ng school, ng course, at ng mga pangarap na susundan. Masakit isipin na hindi na tayo yung laging magkakasama sa bawat "Ano tara?" sa gala o sa bawat damayan sa puyatan paggawa ng costumes. Pero kahit saan man tayo dalhin ng hangin, baon natin ang isa’t-isa.
Kung tatanungin ako kung may babaguhin ako sa SHS journey natin sa lahat ng puyat, stress, at saya ang isasagot ko; "Kung aking uulitin, wala akong babaguhin."
Mamimiss ko 'to. Mamimiss ko tayo. Pero gaya ng saranggola, kailangan nating lumipad para mas matayog pa ang marating natin. 'Di ko ipagpapalit ang pagkakaibigang nabuo natin dito.
CONGRATULATIONS TAYLOR NO. 1 ABM-GAS , BATCH 2025-2026! 🎓
thankyousomuch sa pinaka supportive, mabait, funny, iyakin, at mapagmahal naming ADVISER. Kung di dahil sayo di possible ang lahat! Ikaw ang naging tulay namin para malutas lahat ng problema at challenges naming hinaharap sa bawat laban, kung wala ka di namin kaya. Wala nang hihigit pa sa pagmamahal at pang-unawa mo. Mahal na mahal ka ng TAYLOR NO.1 at kasama ka lagi sa bawat pagtupad ng aming mga PANGARAP!!
MÆM.SIENNA MARIE EVANGELISTA-MENDEZ