24/09/2026
π« Tungo sa Mas Ligtas at Mas Maayos na Paaralan
Nagtungo sa Carmona Elementary School ang mga kinatawan mula sa Office of the City Engineer upang makipagpulong sa aming Punong G**o, Maβam Irene G. Dela Cruz at talakayin ang mga kinakailangang repair at improvement sa ating paaralan.
Kabilang sa mga napag-usapan ang pagkukumpuni ng mga comfort rooms (CR), electrical facilities ng mga silid-aralan, at Clinic na matatagpuan sa PAGCOR Building.
Ang pagpupulong na ito ay pagpapakita ng patuloy na kooperasyon at suporta ng City Government of Carmona sa pagpapaunlad ng mga pasilidad ng paaralan at pagtiyak ng isang ligtas, maayos, at komportableng learning environment para sa ating mga learners at school personnel.
Taos-pusong pasasalamat sa City Government of Carmona, sa pangunguna ni Mayor Dahlia A. Loyola, at sa Office of the City Engineer sa kanilang pakikipag-ugnayan at agarang pagtugon sa mga pangangailangan ng ating paaralan. π
Sama-sama para sa mas ligtas at mas maayos na Carmona Elementary School!