20/07/2026
Well-deserved success! Congratulations π π
https://www.facebook.com/share/p/18w8QHpCq6/
PAGPUPUGAY || Muling nagbigay ng karangalan ang mga estudyante ng Dao National High School matapos tanghaling Kampeon sa 1st Inter-School Rescuelympics 2026, isa sa mga tampok na gawain sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month (NDRM), na ginanap sa Lagoon Gym, Dao, Capiz, Hulyo 19.
Bukod sa kampeonato, nagwagi rin ang koponan ng tatlong Special Awards: Best in Carries, Best in Two-Wheel Extrication, at Best in CPR. Ang mga parangal na ito ay sumasalamin sa husay ng mga manlalaro sa pagsasagawa ng mga kasanayang pang-emergency, gayundin sa kanilang disiplina, kahandaan, at mahusay na pagtutulungan.
Ang kinatawan ng eskwelahan ay sina Renz Albert Alisasis, Rojan Dave Gomez, Romeo John Fuentes, Fritzielyn Castro, Marvin Abelido, Kyle Jerome Estorninos, at Emmanuel Molato. Sa buong kompetisyon, matagumpay nilang naipamalas ang kanilang kaalaman at kasanayan sa pagtugon sa mga emerhensiya at iba pang sitwasyong pangsakuna.
Ginabayan at sinuportahan nina
Sir Deonifel Ebrada, Sir John Paul Forteza, at Sir John Paul Adiong.
Ang aktibidad ay alinsunod sa temang "Naghahanda at Kumikilos Tungo sa Panatag na Bagong Pilipinas."
Ipinagmamalaki ng Dao National High School ang inyong pagkapanalo.
βοΈ Charlyn V. Espiritu
πΈ Sir John Paul Adiong