15/10/2021
๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก | ๐๐ฒ๐ฝ๐๐ฑ, ๐๐ข๐, ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฏ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐ธ๐๐น๐๐๐ฟ๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ต๐๐ต๐๐ด๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ธ๐ผ๐บ๐๐ป๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ ๐๐ฎ ๐ด๐ถ๐๐ป๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฒ๐บ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐ข๐ฉ๐๐-๐ญ๐ต
Maynila, 15 Oktubre 2021 โ Muling ipinakita ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) at ng Department of Health (DOH) ang kanilang panunumpa sa pagtaguyod ng kultura ng paghuhugas ng kamay sa mga paaralan at mga komunidad, kasama ang iba pang mga health measures, upang tiyakin ang ligtas na pagbubukas muli ng eskwela at mabawasan ang transmisyon ng sakit sa mga pampublikong lugar.
Para magsilbing tanda ng patuloy na suporta, ang DepEd at DOH, sa pakikipagtulungan kasama ng UNICEF at WHO, ay sama-samang nagsagawa ng โ2021 Global Handwashing Day Symposium: Malinis na Kamay para sa Kinabukasan ng Bayanโ upang itampok ang best practices sa pagtataguyod ng paghuhugas ng kamay sa mga paaralan, komunidad, at mga lugar na pinagtatrabahuhan sa gitna ng pandemya.
Sa sama-samang pagdiriwang ng GHD ngayong taon, sinusundan nito ang paglabas ng kauna-unahang Joint Memorandum Circular sa pagitan ng DepED at DOH sa Operational Guidelines on the Implementation of Limited Face-to-Face Learning Modality in 120 schools.
โEven before the pandemic, DepEd has already encouraged handwashing habits for our learners through our Water, Sanitation and Hygiene in Schools (WinS) program. As we embark on piloting face-to-face classes, DepED recognizes that safe return to school requires in particular, among other measures, observance of handwashing practice. Amid the challenges of this pandemic, our commitment to create a culture of handwashing in schools remains strong. We call on our partners in the local government and private sector to support improvement of facilities and sustainability of supplies in schools,โ ani Kalihim ng Edukasyon Leonor Briones.
Bukod pa sa pagtulong sa pagpigil ng pagkalat ng COVID-19, ang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon ay nakatutulong ding puksain ang iba pang mga sakit. Ayon sa mga pag-aaral, ang paghuhugas ng kamay ay nakababawas sa diarrheal diseases ng 30% at acute respiratory infections hanggang 20%. Sa kamakailang ulat ng State of the World Hand Hygiene, ipinakita na mayroong humigit-kumulang na kalahating milyon ng mga tao sa buong mundo ang namamatay bawat taon dahil sa diarrhea o acute respiratory infections na maaari pa sanang pigilan gamit ang maayos at malinis na mga kamay. Sa konteksto ng Pilipinas, ang paghuhugas ng kamay ay tumutulong sa pagbawas, pagpigil, at pagpuksa ng stunting sa 30% ng mga batang wala pa sa limang taong gulang.
โDOH recognizes the importance of handwashing, not just in the context of the pandemic but in reducing other infections. There is much to gain health-wise in doing the simple act of handwashing with soap. We at DOH are committed in promoting handwashing behavior to make it a sustained habit amongst Filipinos. We call on other government agencies, local government units, civil society and private sector partners to also encourage handwashing practice across different settings,โ saad ni Kalihim ng Kalusugan Francisco Duque III.
Isa sa mga paraan sa paghikayat ng DOH at DepEd sa pag-uugali ng paghuhugas ng kamay ay sa paggamit ng behavioral nudges o simple cues sa kapaligiran na naghihikayat ng malusog na pag-uugali. Sa isang pinagtulungang pag-aaral na pinangunahan ng DepEd at UNICEF sa Zamboanga del Norte, ang paghuhugas ng kamay ng mga estudyante ay tumaas nang 17.3% dahil sa mga nudges na nagsisilbing gabay sa pagtungo sa handwashing stations. Kabilang sa mga nudges na ginamit ay ang footprints na nagtuturo kung saan ang handwashing stations, posters, eye stickers at arrows na nagtuturo sa sabon.
Sa patuloy na pagsusuri batay sa nasabing pag-aaral pati na rin ng global evidence ng mga nudges, inilunsad ng DOH, sa pakikipagtulungan ng UNICEF, ang WASH oโclock campaign upang paalalahanan ang mga tao na maghugas sila ng mga kamay sa mga panahong hindi inaasahan at sa patuloy na paggalaw sa kani-kanilang mga komunidad. Kasama sa kampanya ang installation ng signages at public handwashing stations upang magsilbing nudge para maghugas ng kanilang mga kamay sa mga palengke, malls, transport hubs, tanggapan ng pamahalaan, simbahan at mga health centers.
โPrompting and reminding people to wash their hands is an effective strategy to improve hygiene practice. We are happy seeing this approach applied not just in healthcare settings but in schools and communities to better integrate the habit in peopleโs daily lives,โ ani WHO Philippines Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe.
Sa mga interbensyon para sa kalusugan ng mga kabataan, ang mga programa sa paghuhugas ng kamay ay mayroong hawig sa cost-effectiveness ng imunisasyon at oral rehydration therapy. Gayumpaman, 4% lamang ng mga bansa ang nakapag-ulat na mayroon silang sapat na pondo para maabot ang kanilang national hygiene targets.
โHaving a costed national hygiene plan would pave the way for other sectors and partners to join efforts in accelerating our progress and creating a safer future for children in the Philippines. We commend the collaboration between DepEd and DOH for being the driving force in promoting the practice of hand hygiene and help ensure that children grow in healthy environments,โ saad ni UNICEF Philippines Representative Oyunsaikhan Dendevnorov.
[Full article (English): https://www.deped.gov.ph/2021/10/15/deped-doh-commit-to-create-culture-of-handwashing-in-schools-and-communities-amid-covid-19-pandemic/]