06/08/2026
Magandang Buhay Mga Mabubuting Tao
Sa gitna ng malakas na ulan, nawa'y manatili tayong matatag sa pananampalataya, maingat sa bawat kilos, at handang magmalasakit sa ating kapwa.
Inaanyayahan ng Valor Dignitas Club ang bawat isa na maglaan ng sandali para sa panalangin para sa kaligtasan ng ating mga pamilya, mga frontliner, at lahat ng mga apektado ng sama ng panahon.
Manatili po tayong ligtas, maging mapagmatyag, at patuloy na magtulungan. Ang pag-asa at kabutihan ay nagsisimula sa bawat pusong may malasakit.
๐จ Lauraine Nicole Licup
โ๏ธ Xaviel De Vera