Batang Empowered and Resilient Team-DDNHS

Batang Empowered and Resilient Team-DDNHS Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Batang Empowered and Resilient Team-DDNHS, School, Capalonga.

Batang Empowered and Resilient Team - DDNHS
A student-led group promoting safety, preparedness, and resilience in Delia Diezmo National High School through leadership, awareness, and action.

Good afternoon, Ka-BERT! Paalala po na bukas, September 10, 2026 (Thursday), alas-2:00 ng hapon ay isasagawa ang Third Q...
09/09/2026

Good afternoon, Ka-BERT!
Paalala po na bukas, September 10, 2026 (Thursday), alas-2:00 ng hapon ay isasagawa ang Third Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED).

Dahil walang face-to-face classes bukas, inaanyayahan pa rin ang lahat ng estudyante na makiisa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng โ€œDuck, Cover, and Holdโ€ sa bahay, kasama ang inyong pamilya.

Mahalaga ang simpleng hakbang na ito upang matutunan natin kung paano maging ligtas at kalmado kapag may lindol at maging handa ang buong pamilya sa oras ng emergency.

Pakisend po sa inyong mga gc ang inyong mga pictures habang ginagawa ang Duck, Cover, and Hold.

Paki-forward na rin po ang mensaheng ito at paalalahanan ang inyong mga kaklase na makiisa.

Maraming salamat, Ka-BERT!

-Sir Joms (BERT Coordinator)

Maraming salamat, Ka-BERT!๐Ÿ’™Isang malaking pasasalamat sa mga officers ng Batang Empowered and Resilient Team (BERT) sa i...
04/09/2026

Maraming salamat, Ka-BERT!๐Ÿ’™
Isang malaking pasasalamat sa mga officers ng Batang Empowered and Resilient Team (BERT) sa inyong pagiging gabay at first aiders sa ating mga atletang DDNHS Warriors sa katatapos na Palarong Capalonga (District Meet).

Dahil sa inyong agarang tulong at pag-aalaga, naging ligtas at matagumpay ang laban ng ating mga manlalaro. Saludo kami sa inyo! ๐Ÿฉน๐Ÿ™Œ

NATIONAL SIMULTANEOUS SCHOOL SAFETY DRILL 2026Matagumpay na isinagawa ng Delia Diezmo National High School (DDNHS) ang N...
03/09/2026

NATIONAL SIMULTANEOUS SCHOOL SAFETY DRILL 2026

Matagumpay na isinagawa ng Delia Diezmo National High School (DDNHS) ang National Simultaneous School Safety Drill, sa pangunguna ng School Principal na si Ma'am Mariches E. Begino, SDRRM Coordinator, BERT Coordinator, katuwang ang School Incident Management Team, BERT Officers, mga g**o, mag-aaral, iba pang school personnel, at mga stakeholders.

Bilang paghahanda, isinagawa ang mga sumusunod na hakbang:

STAGE 0 โ€“ School Readiness and Risk Assessment

Noong August 24, 2026, nagsagawa ng paunang orientation sa mga mag-aaral pagkatapos ng flag ceremony sa pangunguna ng BERT Coordinator Jomarie C. Alcanzo. Tinalakay ang kahalagahan ng pagiging handa, tamang pagkilos, at pagsunod sa mga safety procedures sa oras ng emergency.

Sinundan ito ng isang coordination meeting kasama ang PNP, MDRRMO, SPTA, Barangay Council of Itok, BPSO-Itok, Teaching & Non-Teaching Personnel, BERT, at SSLG Representatives upang pag-usapan ang mga paghahanda, safety measures, evacuation, communication, at koordinasyon na naaayon sa School Shooting Contingency Plan sa oras ng emergency.

STAGE 1 โ€“ Learner Preparation, Consent and Safeguarding

Noong Setyembre 2, 2026, nagsagawa ng proper orientation sa bawat classroom sa pangunguna ng mga Class Advisers at Grade Level Chairpersons. Ipinaliwanag sa mga mag-aaral ang layunin ng drill, mga dapat gawin, protective actions, at tamang pamamaraan ng paglikas.

Bilang bahagi ng safeguarding, tiniyak din ang pagkakaroon ng written parental/guardian consent o waiver at learner assent para sa mga piling mag-aaral na lalahok sa aktuwal na simulation.

STAGE 2 โ€“ Protective Actions and Drill Activation

Noong Setyembre 3, 2026, isinagawa ang aktuwal na drill sa pakikilahok ng mga piling Senior High School learners na may pahintulot ng kanilang mga magulang o guardian at may learner assent.

Isinagawa ang tamang protective actions upang masanay ang mga kalahok na manatiling kalmado, sumunod sa mga tagubilin, at kumilos nang tama sa panahon ng emergency.

STAGE 3 โ€“ Evacuation and Movement to Safety

Matapos ang drill activation, isinagawa ang maayos at ligtas na paglikas patungo sa itinakdang evacuation area. Binigyang-diin ang pagiging kalmado, pagsunod sa evacuation routes, at pag-iwas sa pagtulakan at pagtakbo.

STAGE 4 โ€“ Accountability, Communication and Coordination

Sa evacuation area, isinagawa ang headcount at accountability upang matiyak na ligtas at kumpleto ang mga kalahok. Isinagawa rin ang maayos na communication at coordination ng paaralan kasama ang mga katuwang na responders at ahensya.

STAGE 5 โ€“ Evaluation, Feedback and Continuous Improvement

Matapos ang drill, isinagawa ang evaluation at assessment upang matukoy ang mga naging maayos at ang mga bahagi na kailangan pang pagbutihin. Ang mga naging obserbasyon at rekomendasyon ay gagamitin upang higit pang mapahusay ang School Contingency Plan at emergency preparedness ng DDNHS.

Taos-pusong pasasalamat sa PNP-Capalonga, MDRRMO-Capalonga, SPTA, Barangay Council of Itok, BPSO-Itok, BERT, SSLG, School Incident Management Team, mga g**o, mag-aaral, at lahat ng school personnel at stakeholders sa kanilang suporta at aktibong pakikiisa.

Ang layunin ng bawat hakbang ay hindi lamang matagumpay na maisagawa ang drill, kundi higit sa lahat ay matiyak na ang bawat isa ay handa, may tamang kaalaman, at marunong kumilos nang ligtas sa oras ng emergency.

DDNHS โ€” Laging Handa, Laging Ligtas! ๐Ÿ›ก๏ธ๐Ÿšจ๐Ÿ’ช

HANDA AT LIGTAS: ORIENTATION PARA SA ACTIVE SHOOTING DRILL, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA SA DDNHSGinanap ngayong umaga, Agost...
24/08/2026

HANDA AT LIGTAS: ORIENTATION PARA SA ACTIVE SHOOTING DRILL, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA SA DDNHS

Ginanap ngayong umaga, Agosto 24, 2026, ang isang mahalagang oryentasyon kaugnay ng Active Shooting Drill sa Delia Diezmo National High School (DDNHS).

Nagsimula ang oryentasyon para sa mga mag-aaral pagkatapos mismo ng Flag Ceremony ngayong umaga. Ipinagpatuloy naman ang mas malalim na pagpupulong sa pangunguna ng BERT Adviser na si Jomarie C. Alcanzo, DRRM Coordinator na si Janette C. Pardo, at sa paggabay ng Punong-G**o na si Maโ€™am Mariches E. Begino.

Bagamaโ€™t naipagpaliban at inilipat ang mismong pagsasagawa ng drill sa Setyembre 3, 2026, hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy ang paghahanda katuwang ang mga sumusunod na sektor:

Philippine National Police (PNP)-Capalonga
Mga Kinatawan ng MDRRMO
Sangguniang Barangay ng Itok
School Parent-Teacher Association (SPTA)
Mga Miyembro ng BERT at SSLG
Mga Kawani ng Paaralan (G**o at Non-Teaching Personnel)

Tinalakay sa pagpupulong ang Contingency Plan, ang daloy ng gaganaping drill, ang pagtatalaga ng mga komite, at ang mga tiyak na tungkulin at responsibilidad ng bawat grupo upang matiyak ang mabilis, maayos, at ligtas na pagtugon sa oras ng pangangailangan.

Maraming salamat sa inyong suporta at pakikiisa para sa mas ligtas, mas handa, at mas matatag na DDNHS. ๐Ÿ’š

๐Ÿ–Š๏ธ: Cathlyn
๐Ÿ“ท: Cyrus, Trisha, Danica & Yanna Feith

HAPPY BIRTHDAY, SIR JOMS!August 23, 2026Wishing our dedicated, proactive, resilient, and caring BERT Coordinator a wonde...
22/08/2026

HAPPY BIRTHDAY, SIR JOMS!
August 23, 2026

Wishing our dedicated, proactive, resilient, and caring BERT Coordinator a wonderful birthday! ๐Ÿ’š

Thank you for your commitment, leadership, and service to DRRM and the Batang Empowered and Resilient Team.

Keep inspiring others to be prepared, resilient, and ready to serve!๐Ÿ’ช

-BERT Officers 2026-2027

22/08/2026

Maki-isa sa Nationwide Simultaneous School Safety Drill for Active Attack Incidents sa Agosto 25, 2026.

TIPS VS SCHOOL ATTACK!Maging alerto, makilala ang banta, umiwas sa panganib, magkubli, at kumilos nang tama sa oras ng e...
21/08/2026

TIPS VS SCHOOL ATTACK!

Maging alerto, makilala ang banta, umiwas sa panganib, magkubli, at kumilos nang tama sa oras ng emergency.

BERT conducted an emergency meeting in preparation for the Nationwide Simultaneous School Safety Drill for Active Attack...
21/08/2026

BERT conducted an emergency meeting in preparation for the Nationwide Simultaneous School Safety Drill for Active Attack Incidents scheduled on August 25, 2026, in accordance with the Regional Memorandum No. 01113, s. 2026.

Prepared, coordinated, and ready to respond. ๐Ÿ’š

Saludo at maraming salamat, Ka-BERT! ๐Ÿซก๐Ÿ’šTaos-pusong pasasalamat sa ating mga BERT Officers/Trained First Aider sa kanilan...
15/08/2026

Saludo at maraming salamat, Ka-BERT! ๐Ÿซก๐Ÿ’š

Taos-pusong pasasalamat sa ating mga BERT Officers/Trained First Aider sa kanilang dedikasyon at kahandaang tumulong bilang First Aiders sa katatapos lamang na SMASH Series 3.0 DDNHS Intramurals, na isinagawa sa loob ng tatlong magkakasunod na Sabado.

Ang inyong presensya, malasakit, at agarang pagtugon ay malaking bahagi ng kaligtasan at tagumpay ng ating mga atleta at kalahok. Maraming salamat sa inyong serbisyo at puso sa pagtulong! ๐Ÿ’š๐Ÿ‘

TULONG AT GABAY MULA SA BATANG EMPOWERED AND RESILIENT TEAM (BERT).Buong pusong nakilahok ang Batang Empowered and Resil...
14/08/2026

TULONG AT GABAY MULA SA BATANG EMPOWERED AND RESILIENT TEAM (BERT).

Buong pusong nakilahok ang Batang Empowered and Resilient Team (BERT) ng DELIA DIEZMO NATIONAL HIGH SCHOOL sa pagdiriwang ng Founding Anniversary ng Capalonga.

Sa pangunguna ng BERT Coordinator, ang Team BERTโ€“DDNHS ay nagsilbing mga tagapagbigay ng paunang lunas at naghatid ng tulong at gabay sa Bayle sa Kalye at Paligsahang Pangkultura, upang makatulong sa pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan ng matagumpay na gawain.

Taos-pusong pasasalamat sa ating mga trained first aider at mga opisyal ng BERT sa kanilang patuloy na paglilingkod, kahandaan, pagtutulungan, at malasakit sa kapwa. Ang inyong dedikasyon ay tunay na nagpapakita ng diwa ng kabataang may kakayahan, katatagan, at malasakit sa komunidad. ๐Ÿ’š๐Ÿ‘

Maraming salamat din sa ating masigasig na Punongg**o sa patuloy na paggabay, suporta, at tiwala sa Team BERT, gayundin sa mga g**ong naging katuwang natin sa pagpapatupad ng mga alituntunin sa kalusugan at kaligtasan. Malaki ang naging ambag ng inyong pakikipagtulungan upang maging ligtas, maayos, at matagumpay ang gawain.

Patuloy tayong maging handang TUMULONG, GUMABAY, MAGLINGKOD, AT MAGMALASAKIT.

SALAMAT PALAGI, KA-BERT! ๐Ÿ’š

Address

Capalonga
4607

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Batang Empowered and Resilient Team-DDNHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category