31/03/2026
🎓✨ Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng ating mga nagsipagtapos sa matagumpay na Pagtatapos 2026 na ginanap noong Marso 30, 2026.
Kahapon ay naging makabuluhang pagdiriwang ng tagumpay, sipag, at dedikasyon ng ating mga mag-aaral. Ang bawat diploma ay sumasalamin sa kanilang pagsisikap, pangarap, at tagumpay na pinaghirapan sa buong taon.
Naging makabuluhan at masaya ang pagdiriwang na ito dahil sa sama-samang pagtutulungan ng bawat isa. Taos-puso naming pinasasalamatan ang ating panauhing pandangal at tagapagsalita, Dr. Rhayan G. Melendres, sa kanyang makabuluhang mensahe na nagsilbing inspirasyon sa ating mga nagtapos. Lubos din ang aming pasasalamat sa ating PSDS, Dr. Elizer M. Dimarucut, sa kanyang presensya at suporta sa mahalagang okasyong ito.
Isang espesyal na pagkilala rin sa ating masipag na Punongg**o, Maam Joseline Cuellar, na patuloy na gumagabay sa paaralan tungo sa tagumpay, gayundin sa lahat ng ating mga g**o, lalo na sa ating mga Grade 6 teachers, na walang sawang humubog, gumabay, at naglaan ng oras at pagmamahal upang maihanda ang ating mga mag-aaral sa mahalagang yugtong ito ng kanilang buhay.
Hindi rin matatawaran ang suporta ng mga magulang at stakeholders na naging katuwang sa tagumpay ng pagdiriwang. 💙
Muli, Congratulations Batch 2026! Dalhin ninyo ang mga aral at pagpapahalagang natutunan ninyo bilang gabay sa susunod ninyong paglalakbay.