An Talaod

An Talaod Official School Publication of Tacalod Elementary School Annex

๐‘ด๐‘จ๐‘ฉ๐‘ผ๐‘ฏ๐‘จ๐’€ ๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘จ๐‘น๐‘จ๐‘พ ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ด๐‘ฎ๐‘จ ๐‘ฎ๐‘ผ๐‘น๐‘ถ! ๐ŸŽโœจBawat hakbang ng isang mag-aaral patungo sa kanyang mga pangarap ay nakatuntong sa sakri...
05/10/2026

๐‘ด๐‘จ๐‘ฉ๐‘ผ๐‘ฏ๐‘จ๐’€ ๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘จ๐‘น๐‘จ๐‘พ ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ด๐‘ฎ๐‘จ ๐‘ฎ๐‘ผ๐‘น๐‘ถ! ๐ŸŽโœจ

Bawat hakbang ng isang mag-aaral patungo sa kanyang mga pangarap ay nakatuntong sa sakripisyo, gabay, at pagmamahal ng ating mga g**o. Mula sa pang-araw-araw na pagtuturo sa silid-aralan, mga gawaing pang-komunidad, hanggang sa paghubog ng ating pagkataoโ€”kayo ang nagsisilbing ilaw at pader na sumusuporta sa aming kinabukasan.

Ngayong World Teachersโ€™ Day, buong-pusong nagpapasalamat ang pamunuan at buong komunidad ng Tacolod Elementary School Annex at ng opisyal na pahayagan na An Talaod sa ating mga dakilang g**o!

Maraming salamat sa inyong walang sawang paglilingkod at dedikasyon! โค๏ธ๐Ÿ“š

Maligayang Kaarawan sa ating minamahal na Grade 3 Adviser, si Teacher Jo! ๐ŸŽ‰๐ŸŽ‚Isang taos-pusong pagbati mula sa buong komu...
11/09/2026

Maligayang Kaarawan sa ating minamahal na Grade 3 Adviser, si Teacher Jo! ๐ŸŽ‰๐ŸŽ‚

Isang taos-pusong pagbati mula sa buong komunidad ng Tacolod Elementary School-Annex. Maraming salamat sa iyong walang sawang pagmamahal, alaga, at suporta sa ating mga mag-aaral. Ang iyong kabaitan at maalagang paggabay ang nagbibigay-inspirasyon sa kanila upang maging masaya at masipag sa pag-aaral araw-araw.

Nawa'y maging puno ng kagalakan, kalusugan, at mga pagpapala ang iyong kaarawan. Manatili kang liwanag at gabay sa aming mga kabataan! ๐Ÿ‘๐ŸŽ‰

โ›บ ๐‹๐ˆ๐†๐“๐€๐’ ๐€๐“ ๐Œ๐€๐“๐€๐†๐”๐Œ๐๐€๐˜ ๐๐€ ๐‚๐€๐Œ๐-๐Ž-๐‘๐„๐„ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”! โ›บIsang mainit na pagbati sa ating masisipag at matatapang na Boy Scouts at Ad...
07/09/2026

โ›บ ๐‹๐ˆ๐†๐“๐€๐’ ๐€๐“ ๐Œ๐€๐“๐€๐†๐”๐Œ๐๐€๐˜ ๐๐€ ๐‚๐€๐Œ๐-๐Ž-๐‘๐„๐„ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”! โ›บ

Isang mainit na pagbati sa ating masisipag at matatapang na Boy Scouts at Adult Leaders na nakiisa sa Congressional Wide Simultaneous CAMP-O-REE noong Setyembre 4-6, 2026 sa Camaligan Central School

Isang malaking karangalan para sa ating komunidad ang aktibong partisipasyon ng 64 Boy Scouts at 38 Adult Leaders mula sa Canaman Districtโ€”kabilang na ang 10 Boy Scouts at 8 Adult Leaders mula sa Tacolod Elementary School Annex!

MGA NAKIISANG PAARALAN:

Tacolod Elementary School-Annex
Mangayawan Elementary School
Iquin Elementary School
Sua Elementary School
San Nicolas Elementary School
San Juan Elementary School

Isang tapat at taos-pusong pasasalamat sa ating District Boy Scout Coordinator na si Sir Eman Caubang, pati na rin kina Sir Arvin Falcon at Marielle Serrano-Navasquez sa walang sawang paggabay at pag-alalay sa ating mga kabataan sa buong durasyon ng camping.

Maraming salamat din sa ating ever-supportive School Head, Sir Rommel O. Quintana, at sa lahat ng mga magulang, g**o, at indibidwal na nagtulong-tulong upang maging ligtas, maayos, at matagumpay ang makabuluhang gawaing ito.

Mabuhay ang ating mga Boy Scouts! Malaking saludo sa Inyong Lahat! โšœ๏ธ๐Ÿ‘

Isang malaking pagbati at pagsaludo sa ating mga mag-aaral na nagpakitang-gilas at buong-pusong lumaban sa ginanap na Pr...
06/09/2026

Isang malaking pagbati at pagsaludo sa ating mga mag-aaral na nagpakitang-gilas at buong-pusong lumaban sa ginanap na Press Conference! ๐Ÿ–Š๏ธโœจ

๐Ÿ† ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐†-๐”๐–๐ˆ ๐๐† ๐๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐‹

Gabrielle Jandie Medrano โ€” 7th Place sa Pagsulat ng Agham at Teknolohiya
Onesimus Gideo Parcero โ€” 9th Place sa Pagsulat ng Isports

๐Ÿ‘ ๐๐€๐†๐๐€๐“๐ˆ ๐’๐€ ๐€๐“๐ˆ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐‹๐”๐Œ๐€๐๐€๐ ๐€๐“ ๐๐€๐†-๐ˆ๐–๐€๐ ๐๐† ๐“๐ˆ๐๐“๐€ ๐๐† ๐ƒ๐€๐๐†๐€๐‹
Taos-pusong pagkilala rin sa ating mga campus journalists na buong-husay na pumatas sa larangan ng pamamahayag:

Joerely Rich Corporal โ€” Pagsulat ng Balita
Annicka Lozaรฑes โ€” Column Writing
Ralph Jacob Sitjar โ€” News Writing

๐Ÿ’™ ๐“๐€๐Ž๐’-๐๐”๐’๐Ž๐๐† ๐๐€๐’๐€๐’๐€๐‹๐€๐Œ๐€๐“ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐“๐€๐†๐€๐๐€๐˜๐Ž
Isang malaking pasasalamat sa walang-sawang paggabay, paghubog, at suporta ng ating mga SPA / School Paper Advisers:

G. John Peter S. Dado (Filipino)
Bb. Joy Venus L. Mapa (English)

Lubos din ang ating pasasalamat sa ating supportive School Head, G. Rommel O. Quintana, para sa walang katapusang suporta at tiwala sa kakayahan ng ating mga mag-aaral.

Muli, maraming salamat sa pagbibigay ng karangalan sa ating paaralan! Patuloy ninyong ipaglaban ang katotohanan gamit ang inyong mga panulat. Taas-noo, Tacolod Elementary School-Annex! ๐ŸŽ‰ Pluma at Katotohanan! ๐Ÿ’™๐Ÿ“œ

๐‘ด๐’‚๐’๐’Š๐’ˆ๐’‚๐’š๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’‚๐’“๐’‚๐’˜๐’‚๐’ ๐’‘๐’ ๐’”๐’‚ ๐’‚๐’Ž๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’Š๐’๐’‚๐’Ž๐’‚๐’‰๐’‚๐’ ๐’๐’‚ ๐‘ฎ๐’“๐’‚๐’…๐’† 1 ๐’‚๐’…๐’—๐’Š๐’”๐’†๐’“, ๐‘ด๐’‚โ€™๐’‚๐’Ž ๐‘ฌ๐’Ž๐’Ž๐’‚! ๐ŸŽˆ๐ŸŽ‚Maraming-maraming salamat po sa inyong alaga...
09/08/2026

๐‘ด๐’‚๐’๐’Š๐’ˆ๐’‚๐’š๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’‚๐’“๐’‚๐’˜๐’‚๐’ ๐’‘๐’ ๐’”๐’‚ ๐’‚๐’Ž๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’Š๐’๐’‚๐’Ž๐’‚๐’‰๐’‚๐’ ๐’๐’‚ ๐‘ฎ๐’“๐’‚๐’…๐’† 1 ๐’‚๐’…๐’—๐’Š๐’”๐’†๐’“, ๐‘ด๐’‚โ€™๐’‚๐’Ž ๐‘ฌ๐’Ž๐’Ž๐’‚! ๐ŸŽˆ๐ŸŽ‚

Maraming-maraming salamat po sa inyong alaga, walang sawang pasensya, at pagmamahal sa aming mga maliliit na mag-aaral. Kayo po ang nagsisilbing pangalawang magulang at gabay sa kanilang mga unang hakbang sa paaralan.

Nawaโ€™y maging puspos ng saya, biyaya, at magagandang alaala ang inyong espesyal na araw! โœจ

๐‘ป๐’‚๐’„๐’๐’๐’๐’… ๐‘ฌ๐’๐’†๐’Ž๐’†๐’๐’•๐’‚๐’“๐’š ๐‘บ๐’„๐’‰๐’๐’๐’ ๐‘จ๐’๐’๐’†๐’™, ๐‘ฎ๐’Š๐’๐’‚๐’˜๐’‚๐’“๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘บ๐’–๐’”๐’•๐’‚๐’Š๐’๐’‚๐’ƒ๐’Š๐’๐’Š๐’•๐’š ๐‘จ๐’˜๐’‚๐’“๐’…Noong Hulyo 22, 2026, ginawaran ng Sustainability Awar...
30/07/2026

๐‘ป๐’‚๐’„๐’๐’๐’๐’… ๐‘ฌ๐’๐’†๐’Ž๐’†๐’๐’•๐’‚๐’“๐’š ๐‘บ๐’„๐’‰๐’๐’๐’ ๐‘จ๐’๐’๐’†๐’™, ๐‘ฎ๐’Š๐’๐’‚๐’˜๐’‚๐’“๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘บ๐’–๐’”๐’•๐’‚๐’Š๐’๐’‚๐’ƒ๐’Š๐’๐’Š๐’•๐’š ๐‘จ๐’˜๐’‚๐’“๐’…

Noong Hulyo 22, 2026, ginawaran ng Sustainability Award ang Tacolod Elementary School Annex bilang pagkilala sa mahusay nitong pagpapatupad ng WASH (Water, Sanitation, and Hygiene) in Schools Program ng Department of Education para sa Taรณng Panuruan 2024โ€“2025.

Layunin ng programang ito na itaguyod ang wastong kalinisan, pagkakaroon ng malinis at ligtas na inuming tubig, at maayos na pasilidad para sa sanitasyon upang higit na mapabuti ang kalusugan at pagkatuto ng mga mag-aaral.

Ginawa ang paggawad ng parangal sa Robinsons Place Activity Center sa Lungsod ng Naga. Tinanggap naman ito ni Ginoong Arvin Falcon, Administrative Officer II ng naturang paaralan.

Sa ngalan ng patnugutan ng An Talaod, taos-puso naming ipinapaabot ang aming pagbati kay Ginang Emma Laureles, School WINS Coordinator; kay Ginoong Rommel Quintana, Punong-g**o; at sa buong kaguruan ng Tacolod Elementary School Annex para sa prestihiyosong parangal na ito.

๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ ๐š๐ง๐  ๐“๐š๐œ๐จ๐ฅ๐จ๐ ๐„๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ซ๐ฒ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐€๐ง๐ง๐ž๐ฑ!

๐Œ๐€๐˜ ๐Š๐–๐„๐๐“๐Ž ๐Š๐€ ๐๐€๐๐† ๐ƒ๐€๐๐€๐“ ๐Œ๐€๐Š๐€๐‘๐€๐“๐ˆ๐๐† ๐’๐€ ๐‹๐€๐‡๐€๐“? โœ๏ธ๐ŸŽจ๐Ÿ“ทHuwag mong itago ang iyong galing! Kung mahilig kang magsulat, gumuhit...
03/07/2026

๐Œ๐€๐˜ ๐Š๐–๐„๐๐“๐Ž ๐Š๐€ ๐๐€๐๐† ๐ƒ๐€๐๐€๐“ ๐Œ๐€๐Š๐€๐‘๐€๐“๐ˆ๐๐† ๐’๐€ ๐‹๐€๐‡๐€๐“? โœ๏ธ๐ŸŽจ๐Ÿ“ท

Huwag mong itago ang iyong galing! Kung mahilig kang magsulat, gumuhit, o kumuha ng litrato, may naghihintay na espasyo para sa sining at opinyon mo dito sa An Talaod, ang Opisyal na Pahayagang Pampaaralan ng Tacolod Elementary School Annex.

Inaanyayahan namin ang lahat ng interesadong mag-aaral na dumalo sa ating gaganaping pagpupulong:

๐Ÿ“… Kailan: July 10, 2026 | 4:00 PM
๐Ÿซ Saan: Grade 2 - Astrea Room

Halika na at sumulat ng kasaysayan kasama namin! Kita-kits! ๐Ÿ‘‹

Maligayang Kaarawan po sa isa sa mga kahanga-hangang g**o sa elementarya, ma'am Ivy! ๐ŸŽ‚โœจ Maraming salamat po sa inyong wa...
24/06/2026

Maligayang Kaarawan po sa isa sa mga kahanga-hangang g**o sa elementarya, ma'am Ivy! ๐ŸŽ‚โœจ

Maraming salamat po sa inyong walang sawang paggabay, pasensya, at pagmamahal sa ating mga munting mag-aaral. Kayo po ang nagbibigay-kulay at saya sa kanilang pag-aaral araw-araw.

Nawaโ€™y maging masaya at mapagpala ang inyong espesyal na araw! ๐ŸŽ’โค๏ธ

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ ๐‘ด๐‘จ๐‘ณ๐‘ฐ๐‘ฎ๐‘จ๐’€๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘จ๐‘น๐‘จ๐‘พ ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฒ๐‘จ๐‘ณ๐‘จ๐’€๐‘จ๐‘จ๐‘ต, ๐‘ท๐‘ฐ๐‘ณ๐‘ฐ๐‘ท๐‘ฐ๐‘ต๐‘จ๐‘บ! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญNgayong Hunyo 12, hindi lang natin ginugunita ang makasaysayang pagwawagayw...
12/06/2026

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ ๐‘ด๐‘จ๐‘ณ๐‘ฐ๐‘ฎ๐‘จ๐’€๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘จ๐‘น๐‘จ๐‘พ ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฒ๐‘จ๐‘ณ๐‘จ๐’€๐‘จ๐‘จ๐‘ต, ๐‘ท๐‘ฐ๐‘ณ๐‘ฐ๐‘ท๐‘ฐ๐‘ต๐‘จ๐‘บ! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Ngayong Hunyo 12, hindi lang natin ginugunita ang makasaysayang pagwawagayway ng ating watawat sa Kawit, Cavite noong 1898. Oras din ito para magtanong: Ano nga ba ang kahulugan ng kalayaan sa makabagong panahon?

Sa modernong sulyap, ang kalayaan ay hindi na lamang kawalan ng dayuhang mananakop. Ito ay ang kalayaan mula sa kahirapan, kawalan ng hustisya, at maling impormasyon. Sa gitna ng mga hamon sa ating ekonomiya at ang pabago-bagong estado ng ating gobyerno, mahalagang tandaan na ang tunay na demokrasya ay hindi nagtatapos sa araw ng eleksyon.

Ang pamahalaan ay salamin ng ating kolektibong boses. Kaya naman ang pagiging malaya ngayon ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng boses na nagtatanong, nagbabantay, at humihingi ng tapat at transparent na pamumuno. Ang kritikal na pag-iisip at pagmamalasakit sa kapwa ang pinakamalakas nating sandata.

Huwag nating hayaang maging isang simpleng holiday lang ito. Gamitin natin ang araw na ito para maging mas mapanuri at masangkot sa paghubog ng mas magandang bukas. ๐Ÿ›๏ธโœŠ

โœจ ๐‘พ๐’†๐’๐’„๐’๐’Ž๐’† ๐‘ฉ๐’‚๐’„๐’Œ ๐’•๐’ ๐’๐’–๐’“ ๐‘ป๐‘ฌ๐‘บ๐‘จ๐’Ž๐’‚๐’›๐’Š๐’๐’ˆ ๐’”๐’•๐’–๐’…๐’†๐’๐’•๐’”!โœจ๐ŸŽ’The wait is finally over! Masigla at buong-puso naming tinatanggap ang ating...
07/06/2026

โœจ ๐‘พ๐’†๐’๐’„๐’๐’Ž๐’† ๐‘ฉ๐’‚๐’„๐’Œ ๐’•๐’ ๐’๐’–๐’“ ๐‘ป๐‘ฌ๐‘บ๐‘จ๐’Ž๐’‚๐’›๐’Š๐’๐’ˆ ๐’”๐’•๐’–๐’…๐’†๐’๐’•๐’”!โœจ๐ŸŽ’

The wait is finally over! Masigla at buong-puso naming tinatanggap ang ating mga bago at nagbabalik na mag-aaral para sa School Year 2026-2027! ๐Ÿซ๐Ÿ‘‹

Handa na ba kayo para sa panibagong taon ng pagtuklas, pagkakaibigan, at walang kapantay na kaalaman? Ihanda na ang inyong mga baon, ngiti, at determinasyon dahil magkasama nating lalakbayin ang daan patungo sa tagumpay! ๐Ÿš€๐Ÿ“š

๐Ÿ’กSino ang excited pumasok ngayong araw? I-drop ang inyong mga "First Day of School" selfies o kumustahan sa comment section sa ibaba! ๐Ÿ‘‡

Address

San Vicente
Canaman
4402

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when An Talaod posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share