18/06/2026
๐ฃ๐ฎ๐ด๐ด๐๐ป๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ป ๐ป๐ถ ๐๐ฎ๐ ๐๐ผ๐๐ฒ ๐ฅ๐ถ๐๐ฎ๐น!
Marahil, may ilan sa atin ang minsang nalilito kung kailan nga ba isinilang at kung kailan namayapa ang ating pambansang bayani na si G*t Jose Rizal. Kaya ngayong araw, alalahanin natin ang kanyang buhay at mga ambag sa ating bayan.
Si ๐๐ผ๐๐ฒ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐๐ฎ๐ฐ๐ถ๐ผ ๐ฅ๐ถ๐๐ฎ๐น ๐ ๐ฒ๐ฟ๐ฐ๐ฎ๐ฑ๐ผ ๐ ๐๐น๐ผ๐ป๐๐ผ ๐ฅ๐ฒ๐ฎ๐น๐ผ๐ป๐ฑ๐ฎ, mas kilala bilang Jose Rizal, ay isinilang noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Siya ang ikapito sa labing-isang anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonso. Kilala si Rizal bilang isang henyoโmahusay sa ibaโt ibang wika at larangan, at nag-aral ng medisina sa Maynila bago ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa Espanya noong 1882.
Sa kabila ng kanyang mapayapang hangarin para sa reporma, siya ay hinatulan at pinaslang noong Disyembre 30, 1896, sa edad na 35.
Sa kanyang nobelang Noli Me Tangere, hindi natin malilimutan ang karakter ni ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฎ ๐๐น๐ฎ๐ฟ๐ฎ, na hinango mula sa tunay na inspirasyon ni Rizalโsi ๐๐ฒ๐ผ๐ป๐ผ๐ฟ ๐ฅ๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐ฎ. Ang kanilang kwento ay sumasalamin sa pag-ibig, sakripisyo, at sa kalagayan ng lipunan noong panahon ng kolonyalismo.
Isang mahalagang bahagi rin ng ating lokal na kasaysayan na si Rizal ay nakarating at bumisita sa Camiling, na nagbibigay sa atin ng mas malalim na ugnayan sa kanyang buhay at pakikibaka. Tunay na ipinagmamalaki ng Camiling ang bahaging ito ng ating kasaysayan.
Ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang ika-165 na kaarawan ng ating pambansang bayani. Nawaโy magsilbing inspirasyon ang kanyang buhay sa patuloy nating pagmamahal sa bayan at paghahangad ng pagbabago.
๐ก๐ฎ๐ฟ๐ถ๐๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป ๐๐๐ป๐ด๐ธ๐ผ๐น ๐ธ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐. ๐๐ผ๐๐ฒ ๐ฅ๐ถ๐๐ฎ๐น
โข Maliban sa ๐ก๐ผ๐น๐ถ ๐ ๐ฒ ๐ง๐ฎ๐ป๐ด๐ฒ๐ฟ๐ฒ at ๐๐น ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฏ๐๐๐๐ฒ๐ฟ๐ถ๐๐บ๐ผ, si G*t. Jose Rizal ay may ikatlong nobela subalit hindi niya ito natapos. Ayon sa mga historyan, ang pamagat ng nobelang ito ay ๐ ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐บ๐ถ๐๐ฎ (After Mass).
โข Dahil sa kanyang hilig mangolekta ng mga specimen sa Dapitan, tatlong hayop ang ipinangalan sa kanya: ang ๐๐ฟ๐ฎ๐ด๐ผ ๐ฟ๐ถ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ฒ (dragonfly), ๐๐ฏ๐ผ๐ด๐ผ๐ป๐ถ๐ฎ ๐ฟ๐ถ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ฒ (beetle), at ๐ฅ๐ฎ๐ฐ๐ผ๐ฝ๐ต๐ผ๐ฟ๐๐ ๐ฟ๐ถ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ฒ (toad).
โข Ang Monumento ni Dr. Jose Rizal sa Luneta, na kilala rin bilang Rizal Park, ay idinisenyo ng Swiss na iskultor na si ๐ฅ๐ถ๐ฐ๐ต๐ฎ๐ฟ๐ฑ ๐๐ถ๐๐๐น๐ถ๐ป๐ด. Noong 1907, nagkamit siya ng ikalawang gantimpala sa patimpalak para sa pinakamahusay na disenyo ng magiging Rizal Monument.
Samantala, ang unang gantimpala ay napanalunan ng Italyanong iskultor na si ๐๐ฎ๐ฟ๐น๐ผ๐ ๐ก๐ถ๐ฐ๐ผ๐น๐ถ sa pamamagitan ng kaniyang disenyo na pinamagatang โAl Martir de Bagumbayan.โ Gayunpaman, dahil sa ilang suliraning may kaugnayan sa kontrata, hindi naipagpatuloy ang pagpapatupad ng kaniyang disenyo. Dahil dito, ipinagkaloob ang proyekto kay Richard Kissling.
โข Nanalo si G*t. Jose Rizal sa loterya ng mga Kastila noong 1892 habang siya ay ipinatapon sa Dapitan gamit ang ๐ง๐ถ๐ฐ๐ธ๐ฒ๐ ๐ก๐ผ. ๐ต๐ณ๐ฏ๐ฒ. Ang tiket ay nanalo ng โฑ20,000 kabuuang premyo. Sa kasalukuyang panahon, ang naturang halaga ay katumbas ng mahigit P2.5 milyon. Ito ay pinaghatian nila noon kasama si ๐๐ฎ๐ฝ๐ถ๐๐ฎ๐ป ๐๐ผ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐ฑ๐ผ๐ฟ ๐ฅ๐ถ๐ฐ๐ฎ๐ฟ๐ฑ๐ผ ๐๐ฎ๐ฟ๐ป๐ถ๐ฐ๐ฒ๐ฟ๐ผ at ng Kastilang negosyanteng si ๐๐ฟ๐ฎ๐ป๐ฐ๐ถ๐๐ฐ๐ผ ๐๐พ๐๐ถ๐น๐ผ๐ฟ.
Photo courtesy: https://www.reddit.com/r/Philippines/comments/rrurbu/til_most_famous_portrait_photo_of_jose_rizal_is/