31/03/2026
Isang makabuluhan at tunay na di-malilimutang araw ang ating nasaksihan sa ginanap na ARAW NG PAGTATAPOS, PAGLILIPAT ANTAS, at ARAW NG PAGKILALA 2026 kahapon, ika-30 ng Marso 2026.
Sa temang โPilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno Nang May Kakayahan at Mabuting Pagkatao,โ buong pagmamalaking ipinamalas ng ating mga mag-aaral ang bunga ng kanilang pagsisikap, tiyaga, at mabuting pagpapahalaga na hinubog ng paaralan at ng kanilang mga magulang.
Nakiisa at nagbigay dangal sa okasyon ang ating Distritong Tagapamasid, Dr. Marygil C. Joson, kasama ang ilang mga punong g**o at ulong g**o mula sa ibaโt ibang paaralan sa Distrito ng Kanlurang Camiling upang saksihan ang mahalagang pagdiriwang na ito. Lalong naging makahulugan ang programa sa inspiradong mensahe ng ating panauhing tagapagsalita na si Mebelyn D. Corpuz, RPm.
Taos-pusong pagbati sa lahat ng nagsipagtapos at mga pinarangalan! Nawaโy magsilbi itong hakbang tungo sa mas mataas na pangarap at patuloy na paghubog ng sarili bilang mga responsableng mamamayan ng ating bayan.
Mabuhay ang mga bagong bayani ng ating henerasyon!