18/12/2025
Parent -Teacher Year-end Party 🎉
Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng magulang at g**o na naging bahagi ng ating Parent-Teacher Year-End Party dito sa Bilad Elementary School (Annex). Ang aktibidad na ito ay naging masaya, makabuluhan, at puno ng pagkakaisa dahil sa inyong suporta at pakikiisa. 💙
Isang taos-pusong pasasalamat po sa aming mga SPTA Officers sa kanilang walang sawang pagsusumikap at aktibong pakikilahok upang maging matagumpay ang programang ito. 🌟
Nagpapasalamat din po kami kanila
Mayor Joyce Agustin
Councilor Albert "Cali" B. Jose
Brgy. Captain Randy Duldulao
Rosemarie Feliciano
Sir Armando F. Aban
Ma'am Lerma Bravo
SPTA Vice Pres. Evelyn Dela Cruz
SPTA Pres. Mary Jane Bumatay
sa kanilang kabutihang-loob at pagbibigay ng mga pampapremyo na nagbigay ng dagdag kasiyahan sa ating selebrasyon.
Ang tagumpay ng aktibidad na ito ay patunay na kapag nagkakaisa ang paaralan, magulang, at pamayanan, mas nagiging makabuluhan ang bawat gawain para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.
Maraming salamat po at hanggang sa muli! 🙏💐