01/06/2026
๐ผ๐ต๐จ๐ต๐ฎ ๐จ๐น๐จ๐พ ๐ต๐ฎ ๐ฉ๐นฤฐ๐ฎ๐จ๐ซ๐จ ๐ฌ๐บ๐ฒ๐พ๐ฌ๐ณ๐จ
๐ฑ๐ผ๐ต๐ฌ 1, 2026
Sa pagsisimula ng Brigada Eskwela 2026 ngayong ika-1 ng Hunyo, nagkaisa ang mga stakeholder ng Salvacion High School upang ihanda ang paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa Hunyo 8.
Nakiisa sa programa ang mga magulang, SPTA officials, kinatawan ng Barangay Council, mga estudyante, volunteers, sponsor @ Mapagmal Association of Kabataan Infinity (MAKI)
sa pangunguna ni Pres. Ymardz Yraola, at iba pang katuwang ng paaralan bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa taunang brigada.
Naging tampok sa isinagawang maikling programa ang Signing of Commitment ng mga stakeholder bilang simbolo ng kanilang pagkakaisa at dedikasyon sa pagpapabuti ng kapaligiran ng paaralan. Sinundan ito ng paglilinis ng mga nakatalagang lugar, habang ang ilang magulang ay nagsagawa rin ng enrollment para sa kanilang mga anak
Ang aktibidad na ito ay magpapatuloy hanggang sa ika-5 ng Hunyo taon kasalukuyan.