09/09/2021
Paalala po sa mga magulang para sa darating na pasukan, s/y 2021-2022π
1. Ihanda ang inyong mga anak sa nalalapit na pasukan. Sabihin sa knila na simula na muli ang klase. Modular learning pa rin po tayo. Di pa pwede ang face to face.
2. Kahit di tayo face to face, dapat regular din ang gising at sa tamang oras magsasagot ng modules.
3. Igawa sila ng lugar aralan - maayos, may mga kagamitan at may sariling mesa at silya, hindi kung saan-saan lang.
4. Laging ilagay ang scheduled time sa lugar na madaling makikita para guided ang bata at magulang. Kailangan din ng bata ang recess time.
5. Sa pagsasagot ng modules, hayaang bata ang mgsasagot, hindi si mommy, daddy, ate , Kuya o tutor. Mahalaga ito upang kahit paano ay may matutunan sila. Tandaan din na alam ni teacher ang gawa ng bata.
6. Isuli ang modules/activity sheets sa takdang araw upang hindi matambakan ng gawain.
7. Sumali sa Group Chat na gagawin ni teacher para sa klase nyo para lagi kang updated.
8. Ang mga pagkakamali noong nakaraang taon ay huwag ng ulitin. Tandaan, kayo po ay katuwang ng PAARALAN para sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Nasa pagtutulungan ang ikakapagtagumpay ng mga mag-aaral.
Edukasyon
-2022
tulong para sa pag ahon