07/06/2025
🎤 PAGBANDILYO PARA SA BRIGADA ESKWELA 2025
đź“… Hunyo 10 hanggang 13, 2025
📍 Los Angeles National High School
Isang mainit na paanyaya sa ating mga magulang, mag-aaral, alumni, at buong komunidad!
Nagsagawa po ng pagbabandilyo ang Los Angeles National High School bilang paghahanda sa darating na Brigada Eskwela ngayong Hunyo 10–13, 2025. Pinangunahan ito ng aming masigasig na Teacher In-Charge, Ma’am Merriam S. Talaguit, kasama ang mga g**o ng paaralan at si Barangay Kagawad Yoyoy Belmonte.
Sila ay masigasig na umikot sa buong Barangay Los Angeles at mga kalapit na lugar upang ipabatid sa komunidad ang nalalapit na Brigada Eskwela. 🙌
Lubos po ang aming pasasalamat kay Barangay Kagawad Belmonte sa pagbibigay ng oras at pagsama sa amin sa pag-iikot. Gayundin, isang taos-pusong pasasalamat kay Punong Barangay Hon. Antonio T. Samantela sa pagpapahiram ng kagamitan na ginamit sa pagbabandilyo.
Layunin ng Brigada Eskwela na paghandaan ang nalalapit na pasukan sa pamamagitan ng sama-samang paglilinis, pagkukumpuni, at pagpapaganda ng ating paaralan. 🧹🛠️🏫
🤝 Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa at makibahagi sa gawain bilang suporta sa ating mga kabataan at sa mas maayos na pagbubukas ng klase.