26/06/2026
📢 PAALALA SA KOMUNIDAD 📢
Ipinapaalam po ng Boboan Elementary School na ang water pump ng paaralan ay naiulat na nawawala at ang insidenteng ito ay naipablotter na sa Barangay para sa kaukulang imbestigasyon.
Kung may sinuman pong nakakita, may impormasyon, o may alam tungkol sa kinaroroonan ng nasabing water pump, hinihiling po namin ang inyong pakikipagtulungan na ipagbigay-alam agad sa pamunuan ng paaralan o sa ating Barangay.
Ang anumang impormasyong inyong maibibigay ay lubos na makatutulong sa agarang paglutas ng insidenteng ito. Ang pagkakakilanlan ng sinumang magbibigay ng impormasyon ay pananatilihing kumpidensyal.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at patuloy na suporta sa Boboan Elementary School.