Pamilyang Filipino - SDO Cam. Sur
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Pamilyang Filipino - SDO Cam. Sur, Education Website, San Jose, Pili, Camarines Sur.
14/03/2026
Malugod naming binabati sina John Mark G. Bermal, Trixia Lianne M. Argarin, at Faith P. Kirsten, mga mag-aaral, at si Alexis Rey D. Follosco, tagasanay mula sa Nabua National High School, sa kanilang kahanga-hangang tagumpay bilang Unang Gantimpala sa Regional Festival of Talents 2026 sa larangan ng DokyuWento Filipino.
Sa bawat eksena ng kanilang kuwento ay sumibol ang talino, pagkamalikhain, at dedikasyonβmga katangiang tunay na sumasalamin sa husay at kakayahan ng kabataang Pilipino. Ang kanilang tagumpay ay hindi lamang medalya ng karangalan kundi isang inspirasyong nagliliwanag sa landas ng iba pang mag-aaral na nangangarap at nagsusumikap.
Taos-pusong pasasalamat kina Norma B. Samantela, Tagapamanihalang Pansangay; ASDS Maria Flora T. Pandes; Mariben D. Berja, Hepe ng CID; Sonny Taugan Tagamasid Pansangay sa Filipino at Lili Beth B. Fajardo, Punong-g**o IV, sa patuloy na paggabay at suporta sa mga programang nagpapayabong sa talento at kakayahan ng mga mag-aaral.
Higit sa lahat, papuri at pasasalamat sa Panginoon na siyang patuloy na gumagabay at nagbibigay-lakas upang maabot ang mga pangarap at makamit ang mga tagumpay.
β¨ Isang pagpupugay sa husay, sipag, at talento ng mga kabataang patuloy na nagbibigay dangal sa edukasyon! β¨
09/03/2026
ππππππ ππ πππ ππππππ ππππππ! ππππππ ππ ππ ππππ ππππ ππππ!
Ilagay ang inyong lahok sa Google form link na ito: https://forms.gle/soxnHEEukLzoedpx6
---
Ang TulΓ’ TΓ‘yo ay isang onlayn na timpalak sa pagsulat ng katutubong tulΓ’. Pangunahing layunin nito na palaganapin ang talino sa pamamagitan ng paglikha ng tulΓ’ na nakasulat sa wikang Filipino na nagpapamalas ng maiglang partisipasyon ng makakata sa ibang rehiyon ng bansa. BukΓ‘s ang timpalak sa mga dalΓt, diyΓ³na, at tanagΓ na nakasulat sa wikang Filipino na pumapaksa tungkol sa tema ng Buwan ng Panitikan 2026 na BekΓ«t (Bigkis) Panitikan sa Katwiran at Kalikasan.
Mga TuntΓΊnin:
Ipapaskil ang mga tulΓ’βdiyΓ³na, dalΓt, o tanagΓ βsa seksiyon ng mga komento at sa google form link (gagawin pa lΓ‘mang) ng nakatalagang poster ng bawat anyo ng tulΓ’ upang maging opisyal na lahok ito. Susundin ang sumusunod na iskedyul para sa pagpapaskil:
πππππ ππ ππππππππππ ππ πππππ ππππ
23β27 Pebrero 2026 DalΓt
2β6 Marso 2026 DiyΓ³na
9β13 Marso 2026 TanagΓ
Magiging opisyal ang mga lahok kapag ipinasok ito sa google form link na matatagpuan sa opisyal na page ng Komisyon sa Wikang Filipino.
Tatanggap ng mga orihinal na tulΓ’ na nakasulat sa wikang Filipino at nΓ‘sa antas tudlikan. Gawing tema ng tula ang tungkol sa tema ng Buwan ng Panitikan 2026.
Tatanggap ng isang libong piso (PHP1,000.00) ang unang sampung (10) magwawagi sa bawat anyo. Ipapaskil sa opisyal na website at social media ng KWF ang mga magwawagi sa bawat anyo ng tula.
Pinal at hindi na mababago ang magiging pasiya ng mga hurado ng timpalak.
---
08/03/2026
Isinagawa ang Pampurok na Pagsasanay sa ELLN Filipino sa Purok Minalabac 2 noong 7 Pebrero 2026. Layunin ng gawaing ito na higit pang mapalakas ang kakayahan ng mga g**o sa pagtuturo ng pagbasa at pagsulat sa Filipino para sa mas makabuluhang pagkatuto ng mga mag-aaral. πβ¨
06/03/2026
Kilalanin natin si Dr. Fe T. Otanes, ang tampok na babaeng dalubwika sa araw na ito!
May babaeng dalubwika o manunulat ba kayong nais itampok? Magkomento lang sa post na ito.
Pilipina, manguna tulad ng mga babaylan!
06/03/2026
06/03/2026
Nais naming pagpugayan ngayong Biyernes si lsmaelita Floro-Luza, isang haligi ng panitikang Hiligaynon.
May babaeng manunulat o dalubwika ba kayong nais itampok? Magkomento lang sa post na ito.
Pilipina, manguna tulad ng mga babaylan!
01/03/2026
Pansangay na Tagisan ng Talento sa Filipino Dokyuwento 2026 | 24 Pebrero 2026 | Pambansang Mataas na Paaralan ng Rodriguez
Nagkamit ng Unang Puwesto
π
π
π
π
π
π
π
π
π
Konggresyunal na Distritoβ’
πππ’πππ£π¨ππ£π πππ©πππ¨ π£π ππππ§ππ‘ππ£ π£π ππππͺπππ
Mga Kalahok:
Bermal, John Mark G.
Argarin, Trixia Lianne M.οΏ½
Prima, Kirsten Faith P.
Tagasanay| Alexis Rey Follosco
Punong-g**o | Dr. Lilibeth Moralde
Taos-pusong pasasalamat sa Tagapagsanay at mga kalahok mula sa Una hanggang Ikalimang Konggresyunal na Distrito, mga Fasiliteytors, pamunuan ng Host School Dr. Nelson EspaΓ±o, Tagaugnay sa Filipino ng Host School Sir Gilmar Baran, Tagamasid Pampurok ng Kanlurang Pili Dr. Baby Carlos Fajardo, mga Pangkonggresyunal na Tagaugnay sa Filipino, Pansangay na Tagaugnay sa Filipino Ma'am Dyeysel Laurente at Tagamasid Pansangay sa Filipino Dr. Sonny Taugan.
Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap, dedikasyon, at pagtutulungan ng bawat isa.
Nawaβy magsilbi itong inspirasyon upang higit pang paunlarin ang ating kakayahan at patuloy na itaguyod ang kahalagahan ng wikang Filipino sa larangan ng edukasyon.
Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng tagumpay na ito.
22/02/2026
Tagumpay sa Pagsasanay ELLNπβ¨
Salamat sa lahat ng nakilahok at nagsikap para sa mas mataas na antas ng pagkatuto.
Patuloy tayong magtulungan para sa mas maliwanag na bukas! π
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Camarines Sur
4411