21/05/2023
📢 EARLY REGISTRATION FOR SY 2023-2024‼️
Bilang paghahanda sa pagbubukas ng SY 2023-2024, ang Ayugao Elementary School (AES) ay magsasagawa ng Early Registration simula May 10 hanggang June 09, 2023 mula Lunes hanggang Biyernes.
Inaanyayahan na magpalista ang mga magulang o guardian ng mga sumusunod:
📌Kindergarten: Mga batang limang (5) taong gulang o bago mag Oktubre 31, 2023
(DepEd Order No. 10, s. 2023)
📌Grade 1: Mga batang magtatapos ng Kindergarten ngayong S.Y. 2022-2023 (mga batang Kindergarten ngayon).
📌Transferees: Mga bata mula Grade 2-Grade 6 na nagnanais lumipat sa nais pasukang paaralan.
📌Balik-Aral: Mga batang nagnanais bumalik sa pag-aaral.
📄Mga dokumento na kailangang isumite:
📌Kindergarten
✅ Photocopy ng PSA Birth Certificate
✅ Basic Education Enrollment Form (Ito'y maaaring makuha sa paaralan kung saan magpapalista.)
📌Grade One
Batang Kindergarten completer.
✅ Original ECCD Checklist
✅ Photocopy ng PSA Birth Certificate
✅ Basic Education Enrollment Form (Ito'y maaaring makuha sa paaralan kung saan magpapalista.)
📌Transferees (Grade 2 to Grade 6)
✅ Original Report Card (SF9) na may pirma ng Adviser at Principal
✅ Photocopy ng PSA Birth Certificate
✅ Basic Education Enrollment Form (Ito'y maaaring makuha sa paaralan kung saan magpapalista.)
📌✅Ang mga mag-aaral naman sa AES na aakyat ng baitang (Grade 2-6) ay ikinokonsiderang pre-registered at hindi na kailangan pang sumali sa early registration.
Maaring hanapin ang g**o na sina:
✅ Ma'am Janice C. Lituania, Kindergarten & Grade I Adviser
✅ Sir Danilo Ulysis P. Delfin II, Grades II & III Adviser
✅ Sir Mark Christian C. Indico, Grade IV Adviser/TIC
✅ Ma'am Nova S. Balcueva, Grades V & VI Adviser/Master Teacher I
‼️Mahalagang Paalala‼️
*Siguraduhing kumpleto na ang mga requirements bago pumunta sa paaralan.
*Magdala ng sariling ballpen.
"MAKAPAG-ARAL AY KARAPATAN MO!
MAGPALISTA NA!