30/03/2026
Giving thanks for every milestone! 🙏✨
Today, our TNNHS graduates, completers and awardees gathered for a solemn Thanksgiving Mass to honor their hard work and seek blessings for the journey ahead. Congratulations to all! 🎓
09/03/2026
"Four days of camp, a lifetime of perspective"
The 80th Council-wide Anniversary Scouts Jamboree may be over, but for our TNNHS scouts, the journey is just beginning. From March 5-8, they traded the convenience of home for the challenges of the field, proving that character is built in the "in-between" moments.
A big salute to every scouts who participated in the 80th CAMARINES SUR COUNCIL-WIDE ANNIVERSARY SCOUTS JAMBOREE 2026
11/08/2025
Tierra Nevada National High School
2025 BSP Backyard Camping and Investiture
August 8&9 , 2025
Day 2
11/08/2025
Tierra Nevada National High School
2025 BSP Backyard Camping and Investiture
August 8&9 , 2025
Evening events
11/08/2025
Tierra Nevada National High School
2025 BSP Backyard Camping and Investiture
August 8&9 , 2025
Day 1
11/08/2025
Passion for growth, commitment to excellence!
Tierra Nevada National High School successfully conducted Session 2 of our School Learning Action Cell for SY 2025–2026. A testament to our teachers’ eagerness to learn, collaborate, and elevate their professional journey.
04/08/2025
Simula na ng makabuluhang pagdiriwang ng ating wikang pambansa!
Ang Tierra Nevada National High School ay buong pusong nakikiisa sa panimulang selebrasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa 2025 na may temang:
“Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa”
Ating ipagbunyi ang wikang Filipino at ang mga katutubong wika bilang salamin ng ating kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlan.
02/08/2025
Isang maalab na pagbati at taus-pusong pagkilala kay Gng. Mahalia Jean Nidua sa pagkamit ng Meritissimus sa kanyang Oral Revalida sa kursong Master of Arts in Education, Major in Filipino, sa University of Northeastern Philippines.
Ang tagumpay na ito ay patunay ng kanyang dedikasyon, sipag, at patuloy na paghahangad ng kahusayan bilang isang g**o. Isa siyang inspirasyon hindi lamang sa kanyang mga kapwa g**o kundi lalo na sa mga mag-aaral ng Tierra Nevada National High School.
Sa kanyang pag-unlad bilang isang edukador, mas lalo siyang nahubog upang makalikha ng mga makabagong pamamaraan ng pagtuturo, gamit ang teknolohiya at makabuluhang estratehiya, tungo sa paglinang ng mga mag-aaral na mas handa, mas mahusay, at higit na kompetitibo sa hamon ng makabagong panahon.
Mabuhay ka, Gng. Nidua! Isa kang tunay na huwaran ng makabagong g**o para sa mas progresibong edukasyon.
02/08/2025
Isang gabi ng pagkakaibigan, kasiyahan, at pagtanggap ang hatid ng matagumpay na JHS at SHS Induction and Acquaintance Party ng Tierra Nevada NHS!
Lubos na pasasalamat sa SPTA Officers, SSLG at iba pang club organizations na nagsanib-puwersa upang maisakatuparan ang makabuluhang kaganapang ito.
Espesyal din ang aming pasasalamat kay Mayor Edward Albert “Bobit” P. Prades sa paglalaan ng oras sa kabila ng kanyang abalang tungkulin—isang patunay ng suporta sa Edukasyon.
02/08/2025
Bayanihan at Kasiyahan sa Pista sa Nayon!
Isang makulay at matagumpay na Culminating Activity para sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon ang isinagawa sa ating paaralan! Ngunit higit sa lahat, isang malaking saludo sa ating mga magulang na buong pusong tumulong sa paggawa ng mga kubo at palamuti na siyang nagbigay ng tunay na fiesta vibe sa ating Pyesta sa Nayon! 🛖💪🏼🎊
Ang kanilang sipag, tiyaga, at pakikiisa ay patunay ng matibay na ugnayan ng paaralan at pamayanan. Sa tulong nila, naging mas makulay, mas masaya, at mas makahulugan ang ating selebrasyon.
Maraming salamat po.