03/09/2026
Isang matagumpay at makabuluhang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ang idinaos sa Batobalani National High School!
Tampok sa palatuntunan ang paggawad ng GAWAD TALIMA para sa pampaaralang patimpalak na T.A.L.I.M.A. (Tapat sa Wikang Filipino, Aaksiyon bilang Lingkod-bayan, Isasaayos Makabagong silid-aralan at tanggapan na katuwang ang AI), kasabay ng pagkilala sa mga gurong naging gabay at mga mag-aaral na nakiisa. Isang masigabong palakpakan din ang sumalubong sa pag-aanunsyo ng mga nagwagi sa iba't ibang timpalak, pati na rin ang pagpapakilala sa mga itinanghal na Ginoo at Bituin ng pagdiriwang.
Isang mainit na pagbati at CONGRATULATIONS sa lahat ng mga nanalo at naging bahagi ng tagumpay na ito! Patuloy nating itaguyod at pahalagahan ang ating wika bilang pundasyon ng ating kasaysayan, kasalukuyan, at kinabukasan.๐ต๐ญ
Part 3