29/05/2020
MATANLANG ELEMENTARY SCHOOL - Labo East
Purok-1, Brgy. Matanlang, Labo, Camarines Norte
Sa mga magulang/tagapag-alaga;
Kaugnay ng krisis na ating nararanasan dahil sa pandemyang COVID-19, ating kakaharapin ang mga balakid at pagbabago sa sistema para ligtas at maayos na maipagpatuloy ang edukasyon ng ating mga anak. Bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa darating na ika-24 ng Agosto taong kasalukuyan, ang enrolment o pagpapatala ay itinakda sa Hunyo 1-30, 2020. Ang pagpapatala sa unang 2 linggo (Hunyo 1-15) ay isasagawa sa pamamagitan lamang ng pagtawag, text, via messenger or e-mail kung mayroon man para makipag-ugnayan sa g**o/adviser ng inyong mga anak sa nakaraang baitang upang pormal na maitala at masagutan ang Learner Enrolment and Survey Form (LESF). Ang mga magulang na walang kakayahan o hindi magagawang ipatala ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng mga nabanggit na pamamaraan ay maaaring pumunta at makipag-ugnayan sa mga g**o sa itatalagang “enrolment kiosk” sa ating barangay sa ikatlong linggo ng buwan ng Hunyo bilang pinakahuling option o alternatibo para makapagpatala. Ang mga datihang mag-aaral simula Grade 1 hanggang Grade 6 ay agad ng nakatala ngunit kinakailangang makipag-ugnayan ng kanilang mga magulang sa mga g**ong nakatalaga upang masagutan ang survey form na lubhang mahalaga dahil dito malalaman ang “learning modality” na angkop para sa inyong mga anak. Ang mga magulang ng papasok sa kindergarten, lilipat mula sa ibang paaralan (transferees) at mga balik-aral ay makikipag-ugnayan sa mga itatalagang Enrollment Focal Persons (EFPs) para sa mga detalye ng pagpapatala.
Hinihiling namin ang inyong kooperasyon para sa kaayusan at kaligtasan ng lahat. MARAMING SALAMAT PO!!!
CCTO💞