30/12/2023
Mabuhay ang mga estudyanting lider✊
2024 is approaching!
The life of student-leader this year were never been easy, maybe it seems “sisiw” to some but you’ll never know how hard being a student-leader really is. This year, maraming pagsubok, mga hamon, at problema ang kanilang hinarap and yes! They overcome it, ganun sila kahusay at katatag! Hindi naging madali para sa kanila ang harapin ang taong ito nang maraming dala, pero nang dahil sila ay matatag ito’y kanilang kinaya.
You will never know what struggles they face everyday. Pag-gising pa lang nila sa umaga, there are lots of things na iniisip nila. Araw-araw silang lumalaban at nakikibaka sa hamon ng buhay, mahirap para sa kanila na maging isang lider, pero bakit nga ba nila pinili pa ring maging lider kung ito ay magdudulot lamang ng dagdag gawain, pagpapahirap, at pasanin? Malaking gampanin ang maging isang lider, Yes! It will added to your burden, Yes! Mahahati ang oras mo, Yes! Lahat nang ‘yan ay totoo, but despite that responsibility, burden, and it will cut your time—they still choose to lead, serve, and become your light because masaya silang magsilbi, magbigay serbisyo, ipaglaban ang boses nyo, maging inspirasyon para sa lahat, at magsilbing liwanag, ganun din ang nag-aalab nilang puso na para sa bayan, para sa kabatan, at para sa diyos. Gan’yan ang buhay naming mga estudyanting lider; mahirap pero masaya; challenging pero huhulmahin ka; mabigat pero magaan sa pakiramdam ang mag-serbisyo; walang sahod pero umaapaw ang mga oportunidad. Gan’yan kami maki-baka!
Mahirap maging isang student-leader lalo na’t kung ikaw ay isang academic achiever, bukod pa dyan ang pressures and expectations na araw-araw nilang pasan. Yes, mahahati yung oras mo, yung acads mo and yung responsibility mo as leader, hindi yun madali! Opo, hindi madaling pagsabayin ang pagiging isang student-leader lalo na’t ikaw ay isang academic achiever, na kailangan mong i-maintain yung matataas mong grades, yung performances mo, perfect scores mo sa quizzes & exams, etc. dahil kung hindi maraming huhusga sa’yo. Nakakalungkot lang isipin dahil hindi nila naiintindihan yung side mo, kung gaano kahirap maging isang academic achiever at isang lider. Dagdag pa diyan yung mga ka-grupo mo na pabigat sayo, the life of a student-leader will never be completely understood by their classmates, members, and schoolmates. The amount of sacrifice they have to bear palagi kasi hindi pweding pa-puchu-puchu lang. They get hated and misunderstood, but they remain sangfroid for they knew the consequences of being a student-leader. I hope everyone should not always blame the leader for being upright when it comes to events, performance tasks, and projects. I hope everyone will exert their max effort in the activities na hindi lang mag rely always sa kanila.
Bukod sa matatag ang mga huwarang student-leader, FLEXIBLE rin sila. Sa buhay naming mga estudyanting lider masasabi kong flexible kami, kaya naming maging ate/kuya ‘pag nasa bahay, kaya rin naming maging isang academic achiever, kaya rin naming maging emcee, kaya rin naming maging listener kapag may problema kayo, kaya naming maging contesero/contesera, ngunit hindi namin kayang maging normal na estudyante; yung tipong wala kang paki-alam sa magiging grades mo, yung hindi ka ma-ppressure—mahirap yun para sa’min. Ang dami naming kayang gawin, gan’yan kami ka-flexible. Kadalasan kaming mga student-leader papasok ‘yang 2-4 hours lang ang tulog o kapag minsan nga wala pa dahil uuwi yang pigang-piga galing school at ang magiging hapunan at pahinga ay ang mga reportings, assignments, quizzes, at proposals na dala-dala galing sa school na umaabot ng madaling araw para lang matapos ang mga ito. Alam n’yo ba na ang mga students-leader always sacrificed their time and mental health.
Kaming mga student-leader naaappreciate namin yung mga taong tatanungin ka ng “Okay ka lang?”because they know at nakikita nila na you’re exhausted everyday and how tired you are.
This year, maraming ups and downs ang pinagdaanan naming mga estudyanting lider at isa lang ang masasabi ko, proud ako sa inyo mga kapwa ko student-leader🤗
And before this year ends, i just wanted to say “mabuhay ang lahat ng estudyanting lider” and this is a general message for everyone. And i hope you all should never forget that before kami naging isang "STUDENT-LEADER," kami ay naging estudyante muna.
Mabuhay, student-leader!
“Malayo at matagal pa ang laban, kaya padayon lang palagi✊”