06/06/2025
“KAPE”
• Maraming kuwento sa harap ng Kape. Kadalasan, kuwentong 'chit-chat' lang. Yung just for fun. Kasabay ng mga hagalpak ng tawa. Pero may mga “Kuwentong Kape” tulad ngayon na kakaiba.
• Nasanay ka nang magtimpla ng pinakamasarap na American coffee (yung may sugar, milk at kadalasan, Nescaffe) paggising sa umaga. Para sa isa, o para sa dalawa. Tulad ngayon, para sa dalawa. • Ang tutuo, ang pinakamasarap na sandaling magkape, ay yung weekend. Walang pasok. Doon lamang sa gilid ng higaan. Habang nagkukuwentuhan kayong dalawa.
• Pero iba ang nakikita ng “KAPE” ngayon. Maaga siyang nagtimpla, as usual, sa pinakamasarap na lasa. Alas 4 ng madaling araw! Kape na may kasamang good morning at hugs.
• “Are you okay?”, tanong niya. Na sinagot mo ng “Am okay, perfectly fine.” Punong-puno ng pagsisinung-aling. Nagtatanong kung bakit hindi masabing 'not okay'.
• Instant ang mga sandaling yun. Nasa labas na ang kotse na susundo sa kanya. Flight na nila ngayong araw na ito pauwi ng bansa niya. At sa huling lagok ng kanyang kape, tumayo na. Habang ang tasa ng iyong kape ay lumalamig na.
• Tumayo ka na din. Nagyakap. Sa sarili mo, naghuhumiyaw ang katotohanang "this is the end".
• Bitbit niya ang kanyang suitcase. Ikaw na ang nagbukas ng pinto. Ramdam mo ang bigat ng damdamin niya na ayaw pa niyang umalis. At muli, sinabi mong “Am okay. Perfectly okay.” Just go and have a new life. Muli, ang matinding yakap.
• Pagkalabas niya ng pinto, hindi muna tiningnan. Wala ng kaway. Hindi na pinagmasdan ang pagsakay niya ng kotse. Ang pag-alis nito. Marahang sinira ang pinto. At muling hinarap ang “KAPE”.
• Dalawang kape sa azul na tasa’t platito. Kinuha ang tasa ng kape mo. Malamig na siya pero ininum mo pa din ito. Kasabay ng mga luhang bumagsak sa iyong mga mata na kanina mo pa gustong pakawalan. Pero hindi mo ginawa… hindi mo magawa dahil ayaw mong makita niya.
• Alam mo, bukas. Magtitimpla ka pa din ng kape. Yun nga lang, isang tasa na lamang. Hindi na dalawa. Tulad ng dati, matapang kang didiretso sa buhay na iyong pinili at minahal. Ganun din siya… kasama ang kaniyang magiging asawa, at magiging anak.
• Marami kang mga tanong. Sinasabi mo ito kahit sa sarili habang nagkakape. “Dapat bang sabihing ‘Am okay” kahit durog na durog ka?” “Bakit kapag matured.. may edad na lalu’t edukado ka, ang hirap magpakita ng emosyon. Na dapat kang mabuhay sa expectation nang iba na malakas ka. Matapang ka. Hindi mo kailangan ng kasama?”
• At sa huli, lagi mong sasabihin sa sarili mo habang nagkakape ang naging pamoso mo nang linya na may kasamang hipokrasiya: “SEEING the BEAUTY in LIFE amidst the PAINS is HAPPINESS.” Nakangiti. Pero tahimik na umiiyak. At ilang sandali pa, matatagpuan ang sarili na muling nagtitimpla ng sariling Kape. • “KAPE” na araw-araw na sasama iyo. Kasama mo. Hindi ka iiwan. Hanggang mahal at hinahapap ng iyong panlasa.
KAPE
(A Blessed Eid Mubarak to All)
6th June 2025