24/09/2022
"Hindi naging madali, ngunit nakayanan namin, nakayanan natin."
Taos pusong ipinahahatid ng mga opisyales ng Supreme Student Government ng taong panuruang 2021-2022, ang mainit naming pasasalamat sa mga utility workers, mga g**o, magulang, at lalong-lalo na sa mga mag-aaral ng Calumpit National High School na walang sawang nakilahok sa mga gawaing inilunsad ng aming termino. Poster making 'man ito o slogan making o kaya nama'y kahit ang simpleng panonood lamang sa mga webinar na mayroong maidudulot sa atin, ang inyong kooperasyon ay naging instrumento upang magtagumpay ang mga naturang aktibidad sa kabila ng pagkakaroon ng pandemyang lumulukob sa atin.
Ipinaabot din namin ang aming pagbati sa mga bagong halal na SSG officers, para sa taong 2022-2023, nawa'y patuloy kayong magsilbing huwarang mag-aaral ng ating sintang paaralan, at hangad namin ang inyong masaganang pamumuno.
Muli, kami ang Supreme Student Government Officers (S.Y. 2021-2022), Buong pusong namamaalam at tuluyan ng bumababa sa posisyong inyong ipinagkatiwala. Maraming salamat CNHSians; maraming salamat CNHS!