CCSWD SPTA UNIT 3

CCSWD SPTA UNIT 3

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from CCSWD SPTA UNIT 3, School, Caloocan.

Photos from CCSWD SPTA UNIT 3's post 11/10/2025

CONGRATULATIONS UNIT 3 for winning BEST IN CHEERING, 2ND RUNNER UP, and GAME WINNER! πŸŽ‰πŸ”₯

Ang saya ng event na to! Kitang kita talaga ang galing pag nagkasama ang isang pamilya! πŸ’ͺ

Maraming salamat sa lahat ng sumuporta at nakisaya β€” lalo na kay Mayor Along Malapitan sa patuloy na suporta sa mga programa ng ating City Social Welfare and Development Department. πŸ™πŸ’–

UNIT 3, panalo sa puso at sa laro! πŸ†πŸ’₯

Ito ang iba't ibang snaps from our DayCare Parents - Patingin naman kami ng ibang shot nyo mommys and daddys!! 😍


Photos from CCSWD SPTA UNIT 3's post 04/09/2025

Noong Setyembre 3, ginanap sa Buena Park, Caloocan ang seminar na pinamagatang β€œPamilyang Planado, Wais at Malusog” na inorganisa ng City Health Department.

Dumalo rito ang mga daycare parents at teachers ng CCSWD Unit 3 mula sa iba’t ibang barangay, kung saan tinalakay ang mahahalagang kaalaman para sa kalusugan, wastong paggabay, at pagpapatibay ng bawat pamilya.

Isang malaking pasasalamat kay Mayor Along Malapitan sa patuloy na suporta at pagtutok sa mga programang nakatuon para sa magulang, g**o, at kabataan ng ating lungsod. πŸ™β€οΈ




Photos from CCSWD SPTA UNIT 3's post 30/08/2025

Narito ang masasayang kaganapan mula sa ating Daycare Unit 3!

Ngayong buwan ng Agosto, ipinagdiwang natin ang Buwan ng Wika sa ating Munting Daycare!

Masaya at makulay ang naging selebrasyon kung saan ipinakita ng ating mga bata ang kanilang galing at talento sa pamamagitan ng sayaw, tula, at iba’t ibang pagtatanghal.

Inaanyayahan din po namin kayo na i-share ang inyong mga larawan, videos, at karanasan sa comments para mas lalo nating maipagdiwang ang tagumpay ng ating Buwan ng Wika!

Sama-sama nating ipagmalaki ang ating wikang Filipino at ang kulturang Pilipino! πŸ‡΅πŸ‡­β€οΈ

28/08/2025

BUWAN NG WIKA 2025

Ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika ngayong Agosto!
Isang makulay na programa na puno ng talento, kasiyahan, at pagmamahal sa sariling wika ang dinala ng ating pagdiriwang.

Ang Buwan ng Wika ay pagkakataon para sa buong sambayanang Pilipino na ipagbunyi ang ating wikang pambansa at ipakita ang pagkakaisa ng ating lahi.

Sama-sama nating itaguyod ang wikang Filipino, wika ng pagkakaisa!


Photos from Along Malapitan's post 22/08/2025

Mag iingat po tayong lahat.

Photos from CCSWD SPTA UNIT 3's post 19/08/2025

Orientation Workshop Experience

Naganap ang Orientation Workshop on Peace and Order, Public Safety, and Development Initiative ng City Government of Caloocan sa Vista Marina Hotel and Resort, Subic Bay Freeport, Zambales.

Kasama dito ang mga piling parents mula sa Unit 3 Day Care, pati na rin ang ibang day care parents at teachers mula sa Unit 1, 2, at 3.

Super thankful po kami kay Mayor Along Malapitan sa opportunity na makasama at matuto sa ganitong orientation. πŸ§‘πŸ’š

Photos from CCSWD SPTA UNIT 3's post 11/08/2025

πŸ‘ DONATION DRIVE SUCCESS! πŸ™Œ
Last August 8, 2025, naganap ang ating Donation Drive sa Barangay 160, Libis Baesa, Caloocan City.

Maraming salamat sa lahat ng nagbigay at sumuporta para sa ating mga kababayan na nangangailangan. πŸ’–
Dahil sa inyong generosity, mas marami tayong natulungan at nabigyan ng pag-asa. 🌟

Special thanks to our Barangay Captain Dave Alonzo, mga Barangay Officials, at ang ating masipag na Daycare Teacher ng UNIT 3 sa walang sawang suporta at pagtulong para maging matagumpay ang ating gawain. πŸ™πŸ’

Hindi lang ito basta tulong, kundi simbolo ng ating pagkakaisa at malasakit sa isa’t isa. πŸ’ͺ
Tuloy-tuloy lang tayo sa paggawa ng kabutihan, kahit sa maliit na paraan. 🫢

Barangay 160 Baesa - Libis - Kap. Dave Alonzo


04/08/2025

πŸ”₯ DONATION DRIVE PARA SA BRGY 160
Tulong Mo, Pag-asa Nila 🀝

πŸ“ Sino ang nangangailangan?
Mga pamilyang nasunugan sa Barangay 160 Libis, Baesa na nawalan ng tirahan at gamit.

🧺 Anong puwedeng i-donate?

Malilinis na damit (pang-bata at pang-matanda)

Pagkain (ready-to-eat) at inuming tubig

Hygiene kits (sabon, toothbrush, diapers, etc.)

Kumot, banig, tuwalya

Tsinelas, plato, kutsara, kaldero

πŸ“¦ Saan maghahatid ng donasyon?
πŸ“ Makipag Coordinate po sa inyong DayCare President

πŸ’¬ "Kahit maliit na tulong, basta galing sa pusoβ€”malaking bagay 'yan sa nangangailangan."
Sama-sama po tayong tumulong. Iparamdam natin ang tunay na bayanihan.

πŸ’š Maraming salamat po sa inyong bukas-palad na suporta!

ℹ️ For more information, please coordinate po sa inyong DayCare President.



04/08/2025

πŸ“£ Hello, Unit 3!

Ito na sila β€” ang ating mga bagong SPTA Over-All Officers para sa SY 2025–2026 mula sa iba't ibang barangay ng Unit 3! πŸ™ŒπŸ’š

Congrats po sa inyong lahat! Excited na kami sa mga susunod na activities kasama kayo. Let’s go, Team UNIT 3! πŸ‘Άβœ¨

πŸ”° OFFICERS:
πŸ‘‘ President: Nancy Arenas (Brgy. 152)
🀝 Vice President: Bernard Banas (Brgy. 146)
πŸ“ Secretary: Rosanna Aguirre (Brgy. 145)
πŸ—‚ Asst. Secretary: Hazel P***n (Brgy. 149)
πŸ’° Treasurer: Charlotte Olivar (Brgy. 143)
πŸ’Ό Asst. Treasurer: Ancel Apao (Brgy. 153)
πŸ“‹ Auditor: Janine Cantillas (Brgy. 162)

πŸ“Š Business Managers:
β€’ Chrislyn Manalili (Brgy. 156)
β€’ Lay Llorente (Brgy. 158)

πŸ“£ Public Information Officers (PIOs):
β€’ Rica Villareal (Brgy. 157)
β€’ Rodesa Salvador (Brgy. 142)
β€’ Tess Alonzo (Brgy. 161)

πŸ’š Special shoutout kay Over-All President Nancy Arenas β€” salamat sa tapang at dedikasyon mo na pangunahan ang buong Unit 3.
Alam naming di madali, pero andito kami para sumuporta! πŸ‘

πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§β€πŸ‘¦ Sa lahat ng mga magulang, thank you sa tiwala at pakikiisa.
Kayo ang puso ng ating daycare centers. πŸ’–

πŸ‘©β€πŸ« At siyempre, saludo kami sa ating mga Daycare Advisers!
Walang sawang paggabay, pag-intindi, at pagmamahal sa mga bata β€” maraming maraming salamat po!

Tuloy-tuloy lang ang bayanihan, tawanan, at pagtutulungan β€”
Para sa mga chikiting ng Unit 3!



04/08/2025

πŸŽ‰ July Nutrition Month Fun Alert!

Share your cutest and most awesome Nutrition Month photo in the comments below! πŸ“Έ

Let’s fill this post with colors, smiles, and good vibes! 🌈✨

Include your DayCare Center and Baranggay!!




Photos from CCSWD SPTA UNIT 3's post 03/08/2025

Congratulations to our new and re-elected SPTA Officers of Unit 3 – CCSWD!

On August 1, we successfully held the Oath Taking Ceremony at Brgy. 146 Hall, symbolizing our unity as parents and teachers with one goal: a better, safer, and happier future for our daycare learners.

Thank you to all who attended, supported, and continue to give their time and heart for our community. Together, let's be bridges to each child's success!





Want your school to be the top-listed School/college in Caloocan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Culinary Team

Attire

Website

Address

Caloocan