ANG LENTE

ANG LENTE

Share

Ang Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng Samaria Senior High School

Photos from ANG LENTE's post 04/07/2026

๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’•๐’–๐’•๐’–๐’๐’–๐’๐’ˆ๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐’ˆ๐’–๐’“๐’, ๐’Ž๐’‚๐’ˆ๐’–๐’๐’‚๐’๐’ˆ,๐’‚๐’• ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐’Ž๐’‚๐’ˆ-๐’‚๐’‚๐’“๐’‚๐’, ๐’Š๐’”๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’๐’…๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‘๐’‚๐’”๐’Š๐’Ž๐’–๐’๐’‚! ๐Ÿ“ฐ๐Ÿค

Matagumpay na naisagawa ang unang oryentasyon sa Pampaaralang Pahayagan kahapon, Hunyo 3, 2026, upang bigyan ng paunang kaalaman ang mga mag-aaral at magulang kung gaano ito kahalaga sa paghahatid ng balitang may katotohanan at makabuluhan. Pinangunahan ito ni Gng. Carmina C. Tabamo- School Paper Adviser ng Ingles at Filipino katuwang ang mga g**o na nagsisilbing Journalism Trainers sa patnubay ni Dr. Jeffrey C. Doguiles, punongg**o ng Samaria SHS. Sa naturang oryentasyon, ipinakilala rin ang mga g**ong tagapagsanay sa ibat ibang kategorya, at mga patnugot sa pampaaralang pahayagan. Sinundan ito ng pagpili sa mga bagong opisyal ng GSPTA na pinangasiwaan ng mga Grade Level Chairman kasama ang mga g**ong tagapayo mula Baitang 7-9, 11 at 12 na magsisilbing tulay sa pagitan ng ating paaralan, mga magulang, at mga mag-aaral tungo sa pagkakaisa at pagkakabuklod-buklod ng lahat.
Pinatunayan lamang na kung magtutulungan at magsasama-sama ang lahat ay mas matatamo natin ang maayos na pamumuno tungo sa kaayusan at kaunlaran ng paaralan.
Samantala, maging boses tayo ng katotohanan at maglilingkod nang may puso para sa ating komunidad! โœจ






Photos from ANG LENTE's post 04/07/2026

"๐˜ฟ๐™š๐™ฅ๐™€๐™™ 4๐™ƒ ๐™๐™ง๐™–๐™ข๐™š๐™ฌ๐™ค๐™ง๐™ , ๐™—๐™ž๐™ฃ๐™ž๐™œ๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ-๐™™๐™ž๐™ž๐™ฃ ๐™จ๐™– ๐™Ž๐™˜๐™๐™ค๐™ค๐™ก-๐™—๐™–๐™จ๐™š๐™™ ๐™‡๐™š๐™–๐™ง๐™ฃ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐˜ผ๐™˜๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐˜พ๐™š๐™ก๐™ก"

Matagumpay na isinagawa ang School-based Learning Action Cell (SLAC) Session noong Martes, Hunyo 30, 2026, sa Samaria Senior High School sa pangunguna ni Dr. Archie J. Azucenas, Public Schools District Supervisor (PSDS) In-charge, katuwang ang punongg**o na si Dr. Jeffrey C. Doguiles.
Nakasentro ang talakayan sa ๐——๐—ฒ๐—ฝ๐—˜๐—ฑ 4๐—› ๐—™๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฒ๐˜„๐—ผ๐—ฟ๐—ธ na binubuo ng ๐˜๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข, ๐˜๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ, ๐˜๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜บ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฐ. Ito ay magsisilbing gabay ng paaralan sa pagbibigay ng naaangkop na mga gawaing pampagkatuto sa gitna ng kalamidad at krisis na maaaring maranasan ng bawat isa. Mahalaga na maging maalam ang buong pamunuan ng paaralan kung paano pangangasiwaan ang iba't ibang sitwasyon na maaaring maranasan ng buong komunidad ng paaralan.
Patunay lamang ito na ang Samaria SHS ay patuloy na itinataguyod ang matibay nitong pangako sa pagsusulong ng kahandaan, kaligtasan, at katatagan ng bawat Samarian tungo sa mas mabisa at de-kalidad na edukasyon para sa mga mag-aaral.

Photos from ANG LENTE's post 10/06/2026

Gandang Malapitan, binigyang-sigla ang Samaria Senior High School Mula sa pamunuan ng Samaria Senior High School, sa pangunguna ng aming mahal na punongg**o na si Dr. Jeffrey C. Doguiles, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa ating butihing Ama ng Lungsod ng Caloocan, Mayor Dale Gonzalo "Along Malapitan," sa kanyang patuloy na suporta sa ating paaralan sa pamamagitan ng programang "Gandang Malapitan."
Sa pamamagitan ng programang ito, naipagkakaloob ang libreng gupit bilang isang serbisyo na naglalayong mapangalagaan at mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng panlabas na anyo ng ating mga mag-aaral at ng komunidad.
Patuloy nating isabuhay ang diwa ng pagkakaisa at malasakit, sapagkat para sa bawat Batang Kankaloo, sama-sama nating itinataguyod ang de-kalidad na serbisyo tungo sa mas magandang kinabukasan ng ating mga kabataan.



06/06/2026

Lubos ang pasasalamat ng Pamunuan ng Samaria Senior High School sa matagumpay na pagdaraos ng Brigada Eskwela nitong nakaraang Hunyo 1-4, 2026. Sa pangunguna ng ating Punongg**o, Dr. Jeffrey C. Doguiles, katuwang ang mga g**o, magulang, mga alumni, mga kabalikat sa komunidad at mga mag-aaral ay muli nating napatunayan ang diwa ng bayanihan.
Mula sa buong komunidad ng SSHS, tigib ang aming puso ng pasasalamat sa inyong walang-sawang tulong at suporta! Tunay na walang imposible kapag tayo ay sama-samang nagkakaisa para sa kaayusan, kaligtasan, at kaalaman ng bawat Samarian.

05/06/2026

Lubos na nagpapasalamat ang pamunuan, mga magulang at mga mag-aaral ng Samaria Senior High School sa walang sawang pagtulong at suporta sa Brigada Eskwela 2026 ng ating Mayor Along Malapitan, at Congressman Dean Asistio, kasama ang Office of Architectural Planning and Design. Patunay na ang kanilang pakikiisa ay makapagbibigay ng isang kahanga-hangang hakbang para sa isang mas ligtas, mas maayos, at mas kaaya-ayang kapaligiran tungo sa pagkatuto at magandang kinabukasan ng mga mag-aaral.

05/06/2026

Maraming salamat Kagawad John Paul Mercado, Sk Hiel Achebutche, at Gng. Luz Amlon sa inyong pakikiisa at suporta sa Brigada Eskwela 2026 mula sa pamunuan ng Samaria Senior High School. Sa patuloy na pagtulong sa aming paaralan, ito ay may malaking ambag upang matiyak na malinis, maayos, at ligtas na paaralan para sa aming mag-aaral.

Photos from ANG LENTE's post 03/06/2026

Brigada Eskwela 2026
๐Ÿ“š๐Ÿซ "Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman" Magkaroon ng malinis, maayos, ligtas, at handang paaralanโ€”isang adhikaing isinasapuso at isinasabuhay hindi lamang ng buong pamunuan, mga g**o, mga magulang, at mga mag-aaral ng Samaria Senior High School kundi maging ng mga katuwang nito sa komunidad. Muli itong pinatunayan sa ikatlong araw ng Brigada Eskwela ngayong Miyerkules, Hunyo 3, 2026. Taos-pusong pasasalamat sa mga kawani ng Brgy. 187 sa pangunguna ni Kap. Ferdinand E. Marcos, Sr. , Bureau of Fire Protection (BFP) at Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital sa kanilang pakikiisa at walang sawang suporta sa Brigada Eskwela. Sa kabilang banda, nagsagawa ng Brigada Pagbasa para sa mga mag-aaral ng Baitang 8 at 9 na pinangasiwaan nina Dr. Marissa T. Estrada-Filipino Coordinator, at Gng. Leziel G. Fernandez-JHS Literacy Coordinator katuwang ang mga tagapayo sa mga nasabing baitang.
Tunay ngang walang hamong hindi malalampasan at walang layuning hindi maaabot kapag nagkakaisa ang bawat isa.

Want your school to be the top-listed School/college in Caloocan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address

Bukid Area, Samaria Homes, Bo. Sto. Cristo, Brgy. 187
Caloocan