25/08/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก | Pangwakas na Programa ng Buwan ng Wika 2026
โ
โ Ngayong Agosto 25, 2026, ginaganap sa MCU Centanial Gymnasium ang pangwakas na aktibidad para Buwan Ng Wika sa taong panuruan 2026 na may temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon".
โ
โ Sama-sama tayong magdiwang para sa wika, kultura, at kaalaman bilang mga sandigan ng isang makabago at makabuluhang kinabukasan!
โ
โ
โ
โ
โ
25/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐ง๐ | Likhabuod: Malalaking Pahina, Dambuhalang Talento ng Baitang 12 MCU-SHS
โ Isinagawa ang Big Book Exhibit sa Basic Education Department (BEdD) Lobby ng mga mag-aaral sa Baitang 12 ng Manila Central University - Senior High School (MCU-SHS) ngayong Agosto 24, 2026, bilang pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
โ Ang "Likhabuod" ay isang gawaing pagbuo ng Big Book kung saan nilalagom ng mga mag-aaral ang isang kuwentong pambata sa loob ng 10 pahina na aklat.
โ Nagtipon ang mga mag-aaral kaninang ika-4 ng hapon sa nasabing lobby upang tunghayan ang mga likhang Big Book, kung saan ipinamalas nila ang interes at pagkamangha sa husay at pagkamalikhain ng mga nabuong proyekto.
21/08/2026
๐๐ข๐๐๐๐๐ฌ | Ninoy Aquino Day! ๐
May mga pangalan na hindi kumukupas sa paglipas ng panahon. Isa na rito si Ninoy Aquino, na ang buhay at paninindigan ay naging bahagi ng ating laban para sa kalayaan at demokrasya.
Ngayong Ninoy Aquino Day, hindi lamang natin ginugunita ang kanyang sakripisyo. Inaalala rin natin ang tapang na manindigan, magsalita, at kumilos para sa bayanโkahit mahirap, kahit may kapalit.
Sa huli, ang pag-alala ay higit pa sa pagtingin sa nakaraan. Ito ay paalala na ang kinabukasan ng Pilipinas ay nasa mga kamay din natin.
Maki-alala. Manindigan. Makialam. Para sa Pilipinas. ๐ต๐ญโค๏ธ
20/08/2026
๐๐๐ฅ๐ง๐ข๐ข๐ก | Promise, Ba'yan?
If ropes are as fragile as dominoes, and our nation still drowns in broken livelihoods and sinking education โ what exactly are those promises worth?
19/08/2026
๐๐ก๐ก๐ข๐จ๐ก๐๐๐ ๐๐ก๐ง | Classes in all levels are suspended tomorrow, August 20, 2026
Dahil sa tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan dala ng Hanging Habagat, muling sinuspinde ng lokal na pamahalaan ang klase sa lahat ng antas bukas, Agosto 20, 2026.
Manatiling nakatutok sa mga opisyal na anunsyo at balita. Sa panahong matindi ang pag-ulan, mahigpit na pinapayuhan ang mga estudyante at g**o na iwasan ang paglabas at pagbiyahe hanggaโt maaari upang mapanatili ang kaligtasan ng lahat.
Ingat, Centralinos!
18/08/2026
๐๐ก๐ก๐ข๐จ๐ก๐๐๐ ๐๐ก๐ง | Classes in all levels are suspended tomorrow, August 19, 2026
Sinuspinde muli ng lokal na pamahalaan ang klase sa lahat ng antas bukas, Agosto 19, 2026 dala ng inaasahang pagbuhos ng malakas na pag-ulan.
Patuloy na subaybayan ang balita at opisyal na anunsyo tungkol sa anumang pagbabago sa lagay ng panahon.
Ingat, Centralinos!
17/08/2026
๐๐ข๐๐จ๐ | Inaanod ng Sakim
Walang katapusang bagyo na naman ang pumapasok sa bansa. Kakayanin pa kaya ng โresiliencyโ ang mga rumaragasang baha?
Halos walang humpay na dumadaan ang ibaโt ibang bagyo sa Pilipinasโnauna si Luis, sumunod si Maymay, at may humabol pa na habagat na tila hanggang ngayon ay may sumpong. Marami sa atin ang nakikita ang pag-ulan bilang isang abala sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Pero sa iba, hindi lamang ito simpleng pag-iyak ng langitโito rin ay nagsisilbing pamulat para sa mga pait na kailangan nating tiisin.
Gawin nating paalala ang mga nangyari noong nakaraang araw sa mga flood control projects na ipinangako ng mga nasa itaas. Nasaan na kaya ang mga iyon? Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), halos 22 tao ang pumanaw at 17 naman ang napinsala; sa kabuuan, 1.4 milyong pamilya at indibidwal ang apektado.
Sabihin na natin na ang habagat ay isang likas na pangyayari at hindi ito kayang pigilan ng nakararami, ngunit ang bunga nito ay kaya namang iwasan. Kung pagbasehan natin ang nakakadismayang abiso ng NDRRMC, hindi baโt parang naging multo pa rin natin ang pilit na pinupunto ng gobyerno na pagbabago? Libo-libo pa rin ang nasasalanta, nawawalan ng kabuhayan, at lumulusong sa baha para lang magtrabaho o mag-aral. โMahiya naman kayo!โ Ika nga ng ating presidente, naiilang na kaya sila?
Pagdating naman sa mga estudyante, ang kalaban naman nila ay ang mga bitin na suspensiyon. Sabihin natin na matindi ang pagbuhos ng ulan sa umaga at bumabaha na ang paligid mo, ngunit kailangan mong pumasok sa paaralan kasi hindi katanggap-tanggap ang dahilan na โbaha.โ Pagkatapos mong lumusong at mabasa, ay saka na lang sinuspinde ang klase, at kung minsan pa ay ginagawang katatawanan ito. Hindi mo kayang magalit sa mga magulang at mga estudyante na inilalabas ang kanilang inis sa mga suspensiyon na tila ginagawang kalokohan at napag-iiwanan ng ibang mga alkalde. Ang bagyo ay hindi isang komedya; ito ay dapat sineseryoso at dapat maaksyunan nang maayos. Matatauhan ka na lang ba kung ang opisina mo mismo ang inaanod na?
Hindi natin kailangang magtiis sa agos ng ulan na bunga ng kasakiman ng iba. Nagbago na ang taon, lumipas na rin ang nakaraang buwan; tigilan na natin ang pananaw na dapat masolusyonan ng mga Pilipino ang mga problemang hindi nila kontrolado dahil ang โresiliencyโ ay hindi daan sa pagbabagoโito ay isang pagtanggap sa mga bagay na matagal na sanang nalutas ng mga pinuno.
17/08/2026
๐๐ก๐ก๐ข๐จ๐ก๐๐๐ ๐๐ก๐ง | Classes in all levels are suspended tomorrow, August 18, 2026
Bilang paghahanda sa inaasahang epekto ng Hagabat, suspendido ang klase sa lahat ng antas bukas, Agosto 18, 2026 ayon sa anunsyo ng lokal na pamahalaan.
Subaybayan ang mga opisyal na anunsyo at manatiling handa at alerto sa anumang pagbabago sa lagay ng panahon.
Ingat, Centralinos!
14/08/2026
๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐ง๐๐๐๐ก | Estrangherong Wikain
Ipasiil mo ang iyong bibig,
At ang mga kwentong nakapaskil sa iyong bayan at sining,
Sibakin ang bawat kuro-kuro sa inyong baryo,
Hugasan, banlawan, kuskusin,
Tuluyan mong baklasin ang hinulma ng wikang ito.
Batid ng mga salitang palutang-lutang sa iyong isip,
Kung mailuluwa itong mga kaisipang sumisilip,
O awitin ang kulturang kalakip,
Bibigkasin ng labi o papaanurin nalang ng pag-aalangan,
Hanggang maagnas ang iyong kasarinlan.
Hasain mo ang sarili sa dayuhang mga pariralang ito,
At ibaon ang nauna mong dila rito,
Salikupin mo ang umusbong na bago,
Hanapin ang lugod sa pagsunod dito,
Kapalit ng kasanayang iniwan mo.
At kung dumating ang panahong hawak na nito ang dila mo,
Hayaang dumapyo ang salita mula sa inang wikain mo,
At hubarin ang nasa โyong estranghero,
Ngayoโy angklahin mo ang wikang Filipino,
Sapagkat walang ibang mapagpalaya, gaya nito.
โ๏ธ The SHS Pharos x Buwan ng Wika 2026 Special
11/08/2026
๐๐ข๐๐๐๐๐ฌ | Mabuhay ang
Wikang Filipino! ๐ต๐ญ
๐ฃฒ. "๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐" โจ
Sa bawat salitang Filipino, nabubuhay ang kasaysayan at diwa ng ating bayan. Ang ating wika ay nagsisilbing tulay na nag-uugnay sa ating kultura, tradisyon, at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. Sa pamamagitan nito, naipapasa ang iba't ibang aral at kuwentong humuhubog sa ating lipunan sa paglipas ng panahon. Sa kabila ng mabilis na pagbabago ng mundo, nananatiling mahalaga ang ating wika sapagkat ito ang nagbubuklod sa atin bilang isang sambayanan.
Ang wikang Filipino ay hindi lamang isang paraan ng komunikasyon. Isa rin itong simbolo ng ating pambansang pagkakaisa. Sa bawat paggamit nito, higit na tumitibay ang ugnayan ng bawat Pilipino at ang ating pagmamahal sa sariling kultura. Bagama't ang Pilipinas ay isang bansang mayaman sa pagkakaiba-iba, ang wikang Filipino ang nagsisilbing tanglaw na nagbibigay-liwanag sa landas ng pagkakaisa at pagkakaunawaan.
Mula sa SHS Pharos,
๐๐๐ก๐๐๐๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐๐๐ง๐๐ฌ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐ ๐ฝ๐ช๐ฌ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐ ๐ 2026! โญ๏ธ๐ต๐ญ