Ang Alab: Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Bagong Silang High School

Ang Alab: Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Bagong Silang High School

Share

Ang pugad ng mga mag-aaral na nag-aalab na sumulat, mag-ulat, at magmulat.

Photos from Ang Alab: Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Bagong Silang High School's post 26/03/2026

Sa bawat patak ng tinta, may kwentong isinilang; sa bawat pahina, may pangarap na umusbong. โœ๏ธ๐Ÿ”ฅ

Ang Alab Campus Journalists ay nagningning sa landas ng karangalanโ€”
โœจ ๐— ๐—ฎ๐˜† ๐—ž๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป
โœจ ๐— ๐—ฎ๐˜† ๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป
โœจ ๐— ๐—ฎ๐˜† ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป

Ngunit higit pa sa mga titulong ito ang tunay na tagumpay: ang patuloy na pagpili na magsulat para sa katotohanan, tumindig para sa tama, magbigay-boses sa mga hindi naririnig, at pagpansin sa mga bagay na hindi nakikita.

Sa likod ng bawat pagkilala ay mga gabing walang pahinga, pusong hindi sumuko, at alab na patuloy na nagliliyab.

At sa patuloy na paglalakbay, dala namin ang pangakong hindi kailanman hihinto ang alab ng katotohanan. ๐Ÿ”ฅ

โœ๐Ÿป: Lharra Mae Lopez
๐Ÿ–ผ๏ธ: Client Mark Candole

24/03/2026

Bawat patak ng gasolina ay may katumbas na kuwentoโ€”mga sakripisyong hindi nakikita sa kalsada. Sa gitna ng tumataas na presyo at kakulangan ng suplay, hindi lang makina ang nahihirapang umandar kundi pati pangarap. Sa bawat estudyanteng naglalakad na lang pauwi para makatipid at sa bawat pamilyang nagbabawas ng gastusin, malinaw: ang krisis sa langis ay hindi lang usapin ng enerhiyaโ€”ito ay usapin ng buhay. ๐Ÿ’”

Sa loob ng silid-aralan, tila malayo ang usaping ito, ngunit ramdam ito sa pamasahe, sa baon, at sa pagod ng biyahe. Ang dating simpleng pagpasok ay nagiging desisyong kailangang pag-isipan. Ngunit sa kabila nito, may kapangyarihan ang kabataanโ€”sa simpleng paraan tulad ng pagpaplano ng biyahe, pakikisabay sa carpool, pagtitipid sa kuryente, at pagsuporta sa lokal at sustainable na produkto, unti-unti nating nababawasan ang konsumo. Maliit man, mahalaga ang bawat hakbang.๐ŸŒฑโœจ

Higit pa rito, maaaring gamitin ng mga estudyante ang kanilang bosesโ€”sa pagsusulat, diskusyon, at pagpapalaganap ng kamalayan. Sa huli, ang bawat patak na natitipid ay hindi lang gasolina ang nababawasanโ€”ito ay hakbang tungo sa mas maingat at matatag na kinabukasan. Sa bawat sakripisyo ngayon, may pag-asang mas maayos ang bukas. ๐Ÿ—ฃ๏ธโœจ

๐Ÿ–ผ๏ธ: Johncel Sta Romana
โœ๐Ÿป: Jermaine Kate Lee

18/03/2026

DUNONG NG LINGGO

๐Ÿ–‹๏ธโœจMula sa labi ng ninuno
hanggang sa tinta ng panitikan, mga pagsusuri ng salitang hinubog ng hininga ng panahon...

๐ŸƒNarito na ang salitang umusbong
mula sa ugat ng kahapon,
isinilang sa lakbo ng wika,
hinubog ng hininga ng panahon...

โœจ๐Ÿ“œDALUMAT๐Ÿ“œโœจ
Pangngalan [Noun]
[da-LOO-mat]

Isang paraan ng malalim, masusi, at kritikal na pag-iisip upang makabuo ng konsepto o teorya. Ipinapakita nito ang mataas na antas ng panghihiraya at pag-uunawa sa mga konseptong abstrakto at pilosopikal na paksa. Isa itong malalim na salitang Tagalog na tumutukoy sa ngalan ng isang ideya o kaisipan. Ang pagdadalumat ay pundasyon ng kaalamang pangkasaysayan na naglalayong palawakin ang kamalayan at kakayahan ng isang tao upang maging mapanuri at lumikha ng mga bagong ideya. Kaya, sa paraan ng pagdadalumat, laging alalanin na hindi lamang ito basta pag-iisip, bagkus ito ay isang paraang may layuning bumuo ng bagong diskurso, usapin, konsepto, teorya at iba pa.โœจ



โœ๏ธ: Larrilyn Jane G. Dela Cruz
๐Ÿ–ผ๏ธ: Client Mark R. Candole

Photos from Ang Alab: Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Bagong Silang High School's post 15/03/2026

MAY NANALO NA
โ€ŽSilangians wagi sa RSPC 2026
โ€Ž
โ€ŽNakuha ng mga kinatawan ng Bagong Silang High School ang mahahalagang parangal sa nakaraang Regional Schools Press Conference (RSPC) 2026, pagkatapos nilang dominahin ang Division Schools Press Conference (DSPC). ๐ŸŽ‰
โ€Ž
โ€ŽAyon sa opisyal na resulta, sina Amber Shanylle Y. Flores at Jermaine Kate B. Lee ng Ang Alab, at Laidy Clouie D. Salvador at Jean Devaughn G. Viรฑas ng The Blaze ang nakatanggap ng unang puwesto sa kanilang mga kategorya sa DSPC 2026. Dahil dito, naging kinatawan sila ng Lungsod ng Caloocan sa RSPC. ๐Ÿ“š
โ€Ž
โ€ŽIpinagdiriwang naman ngayon ang pagkapanalo nila Jermaine Kate B. Lee na ikalawang puwesto sa Pagsulat ng Balitang Agham at Teknolohiya, at Jean Devaughn G. Viรฑas na nanguna sa Editorial Writing, na nagkukwalipika sa kanya para sa National Schools Press Conference (NSPC).
โ€Ž
โ€ŽAng mga tagumpay na ito ay nagpapakita ng kahusayan ng mga estudyante ng Bagong Silang High School sa journalism, na kinikilala na ngayon hindi lamang sa lungsod kundi sa buong rehiyon.๐Ÿ”ฅ

โœ๐Ÿป: Rewen Joseph Mayuga
๐Ÿ–ผ๏ธ: Client Mark Candole

13/03/2026

๐‡๐š๐ค๐›๐š๐ง๐  ๐“๐ฎ๐ง๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ฅ๐ข๐ ๐ญ๐š๐ฌ๐š๐ง โœจ

๐—ฆ๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ด, ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ธ๐—ผ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐˜‚๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ด.

Sa bawat hudyat at sabayang pagkilos, nakiisa ang Silangians sa isinagawang ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜„๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ ๐—ฆ๐—ถ๐—บ๐˜‚๐—น๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ฒ๐—ผ๐˜‚๐˜€ ๐—˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ต๐—พ๐˜‚๐—ฎ๐—ธ๐—ฒ ๐——๐—ฟ๐—ถ๐—น๐—น noong ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿญ๐Ÿฎ ng ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐˜€๐—ผ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ.

Mula ๐—๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ผ๐—ฟ ๐—›๐—ถ๐—ด๐—ต ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น hanggang ๐—ฆ๐—ฒ๐—ป๐—ถ๐—ผ๐—ฟ ๐—›๐—ถ๐—ด๐—ต ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น sama-samang tumugon ang mga mag-aaral, g**o, at kawaniโ€”hindi lamang bilang bahagi ng isang gawain, kundi bilang isang komunidad na nagkakaisa para sa kaligtasan ng bawat isa. Sa bawat duck, cover, and hold, sa bawat tahimik ngunit maingat na paglabas mula sa silid-aralan, makikita ang disiplina, pag-iingat, at malasakit na dala ng bawat hakbang.

Ang drill na ito ay higit pa sa isang pagsasanay. Isa itong paalala na sa gitna ng mga hindi inaasahang pagyanig ng kalikasan, ang tunay na lakas ng isang pamayanan ay makikita sa kahandaan at pagkakaisa. Sa bawat pagsunod sa mga alituntunin, sa bawat kamay na umaakay sa kapwa, nabubuo ang tiwala na sa oras ng pangangailanganโ€”๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ถ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป, ๐—ฎ๐˜ ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป.

Sa Bagong Silang High School, ang kahandaan ay hindi lamang natutunanโ€”ito ay sama-samang isinasabuhay. Sapagkat sa bawat pagyanig na maaaring dumating, ang kaalaman, disiplina, at pagkakaisa ang magsisilbing matibay na sandigan ng ating kaligtasan.

โœ๐Ÿป: Lharra Mae Lopez
๐ŸŽ™๏ธ: Summer Contante
๐ŸŽฌ: Client Mark Candole

Photos from Ang Alab: Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Bagong Silang High School's post 12/03/2026

โ€ŽHOHGP: Bagong Liwanag sa SNED learners
โ€Ž
โ€ŽNgiti at bagong pag-asa ang iniwang bakas ng Hard of Hearing Group Philippines, Inc. (HOHGP) sa mga mag-aaral ng Special Needs Education (SNED) matapos silang mabigyan ng tulong at serbisyong pangkalusugan sa pandinig.
โ€Ž
โ€ŽBinisita ng HOHGP ang Bagong Silang High School bilang bahagi ng pagdiriwang ng World Hearing Day na may temang โ€œFrom Communities to Classrooms: Hearing Care for All Children.โ€ Layunin ng kanilang pagbisita na magsagawa ng libreng audiological assessment para sa mga SNED learners upang matukoy at matulungan ang mga mag-aaral na may suliranin sa pandinig.
โ€Ž
โ€ŽSa pahintulot ng punongg**o ng paaralan na si Dr. Alvin Angus, isinagawa ang aktibidad noong Marso 10, 2026. Pinangunahan ito ni Vincent S. Balingan, Pangulo ng HOHGP, kasama si MaryGrace Belen, Accessibility Officer ng HOHGP, at si Joyce Rodvie M. Sagun, isa sa mga espesyalista ng grupo.
โ€Ž
โ€ŽBukod sa libreng hearing assessment, nagbigay rin ng grupo ng libreng hearing aids bilang sorpresa sa 18 na mag-aaral na nangangailangan nito, 6 pang mag-aaral na sumailalim sa hearing assessment lamang, at 10 g**o na sinuri ang tainga at leeg.
โ€Ž
โ€ŽIpinakita ng aktibidad na ito na sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga organisasyon at paaralan, mas mapapalawak ang oportunidad ng mga batang may kapansanan sa pandinig. Ang bawat tulong at serbisyong naibibigay ay hindi lamang nagdudulot ng ngiti sa kanilang mga mukha, kundi nagbibigay rin ng bagong pag-asa para sa mas inklusibo at mas maliwanag na kinabukasan para sa lahat ng mag-aaral.
โ€Ž
โœ๐Ÿป: Janna Claire Lovendino &
Rewen Joseph Mayuga

๐Ÿ–ผ๏ธ: Client Mark Candole

11/03/2026

๐’๐ž๐ฅ๐ฒ๐จ ๐ง๐  ๐’๐ข๐ฉ๐š๐ , ๐Š๐ฎ๐ฐ๐ž๐ง๐ญ๐จ ๐ง๐  ๐Š๐š๐ซ๐ฎ๐ง๐ฎ๐ง๐ ๐š๐ง ๐Ÿ“š

May mga pangarap na hindi isinisigawโ€”tahimik lamang na nabubuo sa pagitan ng mga pahinang binabasa at sa katahimikan ng aklatan.

Sa bawat pagbisita, may selyong nadadagdag.
Sa bawat selyo, may kaalamang naipon.
Hanggang sa ang maliit na card ay mapunoโ€”
hindi lamang ng marka, kundi ng ๐˜€๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด, ๐˜๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—ด๐—ฎ, ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ.

Isang pagbati kay ๐—ฃ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐—˜๐—บ๐—ท๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—˜. ๐— ๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ ng Grade ๐Ÿณโ€“ ๐—Ÿ๐—ผ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ด sa matagumpay na pagkumpleto ng 10 stamps sa proyektong โ€œ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฑ, ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฑ ๐—ก๐—ผ๐˜„ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฆ๐˜‚๐—ฟ๐—ฝ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐—ฒ ๐—š๐—ถ๐—ณ๐˜ ๐—Ÿ๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ฟ.โ€

Ngunit higit pa sa sorpresa ang tunay na gantimpalaโ€”
sapagkat sa bawat aklat na binubuksan, may mundong natutuklasan at may kinabukasang unti-unting nagliliwanag, daan patungo sa malinaw na hakbang.

โœ๐Ÿป: Lharra Mae Lopez
๐Ÿ–ผ๏ธ: Client Mark Candole

11/03/2026

๐Ÿ“–DUNONG NG LINGGO

๐Ÿ–‹๏ธโœจMula sa labi ng ninuno
hanggang sa tinta ng panitikan, ang lungkot at kagandahan ng salitang hinubog ng hininga ng panahon...

๐ŸƒNarito na ang salitang umusbong
mula sa ugat ng kahapon,
isinilang sa lakbo ng wika,
hinubog ng hininga ng panahon...

โœจ๐Ÿ“œSIPHAYO๐Ÿ“œโœจ
Pangngalan [Noun]
[si-PA-yo]

Ang salitang siphayo ay nagmula sa ugat na salitang Tagalog na "hayo" na may kaugnayan sa paglayo, pag-alis, o pagkawala. Sa paglipas ng panahon, nabuo ang anyong โ€œsiphayoโ€ upang ilarawan ang damdaming dulot ng pagkawala o pagkabigo. Ito'y isang malalim at matinding lungkot o dalamhati na nararamdaman kapag nakaranas ng kabiguan, pagkawala, o pagkadismaya. Ito ay sakit ng damdaming tila mabigat sa puso at hindi agad nawawala. Karaniwan itong ginagamit sa mga panitikan upang ipakita ang matinding kalungkutan, kabiguan, at pagdurusa ng mga tauhan. โœจ



โœ๏ธ: Larrilyn Jane G. Dela Cruz
๐Ÿ”Ž: Prince Naithan H. Baybayon
๐Ÿ–ผ๏ธ: Client Mark R. Candole

22/02/2026

๐—”๐—ป๐—ด ๐—”๐—น๐—ฎ๐—ฏ ๐—•๐—ฆ๐—›๐—ฆ! Nagliyab sa Pinakamahusay na Publikasyon sa Division Level, kwalipakado sa Regional Level ๐Ÿ”ฅโœจ

Isang karangalang ipagdiwang ang tagumpay ng Ang Alab na itinanghal na isa sa Outstanding School Publications in Filipino sa Caloocan! ๐Ÿ…

๐Ÿ† Outstanding School Publications in Filipino โ€“ 10th Place Ang Alab

๐Ÿ“ฐ Pinakamahusay sa Pahinang Balita โ€“ 10th Place

๐Ÿ–‹๏ธ Pinakamahusay sa Pahinang Editoryal โ€“ 10th Place

๐Ÿ“š Pinakamahusay sa Pahinang Lathalain โ€“ 10th Place

๐Ÿ”ฌ Pinakamahusay sa Pahinang Agham at Teknolohiya โ€“ 10th Place

๐Ÿ€ Pinakamahusay sa Pahinang Pampalakasan โ€“ 6th Place

๐ŸŽจ Pinakamahusay sa Pag-aanyo at Pagdidisenyo ng Pahina โ€“ 8th Place

Ang bawat pagkilalang ito ay bunga ng sipag, tiyaga, at dedikasyon ng mga studyanteng mamamahayag ng Ang Alab. Patunay ito na ang husay sa pagsusulat at pagdidisenyo ay tunay na nagliliyab sa puso ng bawat mamamahayag.
Patuloy tayong magningning at mag-alab para sa katotohanan at kahusayan! ๐Ÿ”ฅ๐Ÿ™Œ

Special Thanks to our SPA- Ma'am Mary Jane De Vera

โœ๐Ÿป: Lovendino, Janna Claire C.
๐Ÿ–ผ๏ธ: Candole Clientmark

Photos from Ang Alab: Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Bagong Silang High School's post 14/02/2026

Narito ang pasilip sa bagong pahayagan ng ating publikasyon ngayong taong panuruan 2025-2026.๐Ÿ‘€๐Ÿ“ฐ ๐Ÿ”ฅ

Ngayong taon, napuno ng mga nakabubusog na artikulo, malilikhaing imahen ๐Ÿ“ธ ๐Ÿ–ผ๏ธ at larawang guhit ng mga mahuhusay na mga mamamahayag๐Ÿ–Œ๏ธang bawat pahina na sumasalamin sa mga balitang nagpapahayag ng kwento ng bawat mag-aaral.

Patuloy nating suportahan ang mga balitang nagbabaga, nag-aALAB at nagliliyab sa pagbasa ng mga laman nito upang maging maalam sa mga balita sa loob at labas ng ating paaralan.๐Ÿ”ฅ๐Ÿ”ฅ๐Ÿ”ฅ



Rewen Joseph Mayuga| Punong Patnugot
Client Mark Candole| Tagapamahala ng FB Page

11/02/2026

๐Ÿ“š๐Ÿ”Hanap mo ba ang eskwelahang de-kalidad? Iyong hindi lang nagtuturoโ€ฆ kundi tunay na humuhubog? Iyong hindi lang nagbibigay ng leksyonโ€ฆ kundi direksyon?

Baka Bagong Silang High School na ang hanap mo!

Dito hinuhubog ang pangarap, pinapalakas ang talento, at pinapanday ang kinabukasan. โœจ
Sa BSHS, bawat strand ay may kwentoโ€”at baka ikaw na ang susunod na bida.

๐ŸŒฟ HUMSS (Humanities and Social Sciences)
Para sa mga may malalim na pag-unawa at malasakit sa lipunan.
Dito huhubugin ang HUMSS students sa pamamagitan ng pananaliksik, talakayan, pagsusulat, at mga gawaing nagpapalakas ng kritikal na pag-iisip at kumpiyansa sa pagsasalita.
Dito inaalagaan ang boses na may paninindigan at pusong handang maglingkod sa bayan.

๐Ÿ”ฌ STEM (Science, Technology, Engineering, and Mathematics)
Para sa mga mapanuri, mausisa, at mahilig sa hamon ng siyensa at matematika
Sa BSHS, hinahasa ang STEM students sa laboratory activities, problem-solving tasks, at makabagong paraan ng pagkatuto na nagpapalalim sa kanilang kaalaman sa agham at matematika.
Dito binubuo ang isip na kayang mag-imbento at magbigay-solusyon sa mga suliranin ng mundo.

๐Ÿณ HE (Home Economics)
Para sa mga malikhain at may galing sa praktikal na kasanayan.
Hinuhubog ang bawat HE students sa aktwal na pagsasanay sa pagluluto, pagnenegosyo, at iba pang serbisyong nagbibigay oportunidad sa sariling kabuhayan.
Dito pinauunlad ang diskarte, sipag, at kahusayan na handang makipagsabayan sa industriya.

๐Ÿ’ป ICT (Information and Communications Technology)
Para sa mga handang yakapin ang digital na hinaharap.
Sa BSHS, hinahasa ang ICT students sa programming, graphic design, troubleshooting, at iba pang teknikal na kasanayan.
Dito nililinang ang talino at creativity upang maging susunod na innovator sa makabagong panahon.

Ang Bagong Silang High School ay isang komunidad na nagtutulungan, umaalalay, at naniniwala sa kakayahan ng bawat isa.
Dito, ang strand mo ay hindi lang kursoโ€ฆ kundi hakbang patungo sa pangarap mong propesyon.

๐Ÿ“Œ Bagong Silang High Schoolโ€”kung saan nagsisimula ang mas matibay na kinabukasan.

Kayaโ€™t tara na, maging bahagi ng kwento ng tagumpay!

โœ๐Ÿป: Larrilyn Jane G. Dela Cruz

09/02/2026

๐Ÿ“–DUNONG NG LINGGO

๐Ÿ–‹๏ธโœจMula sa labi ng ninuno
hanggang sa tinta ng panitikan, ang hangarin at pangarap na hinubog ng hininga ng panahon...

๐ŸƒNarito na ang salitang umusbong
mula sa ugat ng kahapon,
isinilang sa lakbo ng wika,
hinubog ng hininga ng panahon...

โœจ๐Ÿ“œHIRAYA๐Ÿ“œโœจ
Pangngalan [Noun]
[hi-RAH-ya]

Ang kakayahan ng isipan na lumikha ng mga larawan, ideya, at konseptong hindi pa umiiral sa realidadโ€”bunga ng guniguni at malikhaing pag-iisip ng tao na nagiging pundasyon ng mga pangarap, adhikain, at mga gawaing nagbibigay-daan sa paglikha, pagbabago, at pag-unlad. Isa itong tradisyonal na ekspresyon na may katumbas na kahulugan sa salitang "sana" o sa modernong panahon na "sana all," na umusbong sa henerasyon ng Gen Z. Isa ring palatandaan na ang Hiraya ay nagsisilbing pundasyon ng mga hangarin at dalisay na pangarap, sapagkat, ayon nga sa kasabihan "hindi masamang mangarap." โœจ

Kaya kayo Silangians, ano ang kwento ninyo na nagpapakita ng Hiraya?



โœ๏ธ: Larrilyn Jane G. Dela Cruz
๐Ÿ”Ž: Prince Naithan H. Baybayon
๐Ÿ–ผ๏ธ: Client Mark R. Candole

Want your school to be the top-listed School/college in Caloocan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address

Phase 3, Bagong Silang
Caloocan