12/07/2022
Magandang araw Pangarapians!
Pabatid na ang ating pagpapatala para sa Antas 7 hanggang 10 ay gaganapin mula Hulyo Ika-18 hanggang ika-21 2022. Ang mga mag aaral naman na mula sa ibang paaralan na nais lumipat sa ating paaralan ay tatanggapin sa Hulyo ika-22, 2022, ang mga gawaing ito ay gaganapin mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali. Magdala po ng sariling panulat , at magsuot parin ng face mask, upang mapanatili ang kaligtasan ng lahat laban sa COVID-19.
Maraming Salamat po.