06/04/2026
“From ayoko na bes” to “with-is-honors tayu bes!” 💅✨
Aminin natin, may mga araw na gusto na lang nating maging display sa museum sa sobrang pagod. Akala niyo ba puro meetings, paperwork, at events lang ang inaatupag namin? Plot twist: Academic weapon din pala ang inyong mga officers! Sino ba namang mag-aakala na pagkatapos ng lahat ng "pagod yarn," "puyat is real," at kape-is-life moments, heto tayo ngayon—nag-flex ng mga medalya at certificates. Manifesting success? No, we actually worked for this!
Nais namin batiin ang lahat ng nag-uwi ng medalya. Ang tagumpay na ito ay tunay na bunga ng inyong pagsisikap, determinasyon, at pagiging aktibo sa lahat ng bagay. Hindi biro ang pagsabayin ang responsibilidad at pag-aaral, pero kinaya niyo!
Pero hindi lang ’yan, nais din naming batiin ang mga miyembro ng ARALING PANLIPUNAN CLUB na nag kamit ng may Karangalan, Congratulations po sa inyong lahat! 😝❣️
Laging tandaan: may karangalan man o wala, isa ka pa ring mabuting tao na nagsisikap, may determinasyon, at aktibo sa lahat ng bagay. ’Yun ang mas mahalaga. Sabi nga nila, kung hindi mo nakuha ngayon, sumubok ka lang nang sumubok hangga’t sa makamit mo ito! Walang susuko, okay?
Isang malaking DASURV para sa ating lahat! Hindi lang tayo pang-History, pang-future din! Tuloy lang ang pag-serve sa club habang binubuhat ang grades. We are so, so proud of you, AP Club fam! 🔥 academic slay is real! 🤪
🖼️ : Jan Serrano - P.I.O
✒️ : Aivan Denzel - P.O and Shanna Gandola - GR 10 REP.