Burgos Central School

Call Contact the school

Burgos Central School Ang pahinang ito ay binuo para sa lahat ng alumni ng Burgos Central School- Caliguian, Burgos, Isabela. Nangangailangan ako ng iyong suporta, o aking kaibigan.

Mahal kong mag-aaral,

Ilang taon na nga ba ang lumipas mula ng huli mo akong binisita? Sa haba ng panahong nagdaan, marami na ang nagbago sa iyo at sa akin. Ngunit sa kabila ng mga pagbabagong ito, makakaasa ka aking kaibigan na patuloy akong magiging instrumento para sa ikauunlad ng komunidad na ito at sa ikatututo ng mga batang naniniwala sa aking kakayahan. Halos, taun-taon, aking kaibigan, ay dumadaan ako sa mga pagbabago at renobasyon upang mas magampanan ko ang tungkulin ko sa mga kabataang umaasa sa akin. Kaya naman, kalabisan ba, o aking kaibigan kung ako ay hihiling ng iyong pag-alalay at pag-gabay? Nawa ay matulungan mo ako. Ang iyong kaibigan,
BCS

25/09/2026
6 Girl Scouts ng Burgos Central School, Lumahok sa JPL Training 2026ILAGAN CITY, ISABELA — Anim na Girl Scouts ng Burgos...
12/09/2026

6 Girl Scouts ng Burgos Central School, Lumahok sa JPL Training 2026

ILAGAN CITY, ISABELA — Anim na Girl Scouts ng Burgos Central School ang lumahok sa Junior Patrol Leaders Training (JPLT) ng Girl Scouts of the Philippines (GSP) Isabela Girl Scout Council na ginaganap ngayong Setyembre 12–13, 2026 sa Camp Castelo Program and Training Center, Osmeña, City of Ilagan, Isabela.

Kabilang sa mga kalahok sina Carla Faye C. Javier, Jaylou S. Albano, Zairen Grace R. Duco, Reshelyn Eam Cabinian, Angela Mae V. Ramirez, at Kathleen Jhoy A. Urcia.

Ang dalawang araw na pagsasanay ay nakatuon sa Junior Patrol Leaders mula Grade 4 hanggang Grade 6. Layunin nitong ihanda ang mga kalahok sa kanilang tungkulin bilang mga lider sa Girl Scouting.

Nagsimula ang aktibidad ngayong Setyembre 12 at magpapatuloy hanggang bukas, Setyembre 13, na magtatapos sa Closing Ceremony sa hapon.

15 Scouts ng Burgos Central School, Kabilang sa Council-Wide Scouts Leadership TrainingBURGOS, ISABELA — Labinlimang (15...
07/09/2026

15 Scouts ng Burgos Central School, Kabilang sa Council-Wide Scouts Leadership Training

BURGOS, ISABELA — Labinlimang (15) kabataang Scout mula sa Burgos Central School ang kasalukuyang nakikibahagi sa Council-Wide Scouts Leadership Training Courses na ginaganap ngayong Setyembre 7–8, 2026, sa Burgos National High School, Burgos, Isabela.

Ang pagsasanay ay isinasagawa sa pangunguna ng Boy Scouts of the Philippines (BSP)–Isabela Council bilang bahagi ng patuloy na programa nito upang malinang ang kakayahan sa pamumuno at mahubog ang magandang asal at karakter ng mga kabataang Scout.

Kinakatawan ng Burgos Central School ang mga Scout na sina Zyjhon E. Beronilla, Prince Ezekiel B. Supremido, Nick Jay Paul M. Calabines, Arleigh Troy M. Tegui, at Christof Laurence P. Santiago, mga mag-aaral ng Grade 4; Rhashied A. Flores, Prince Ethan C. Barela, at Rome Angelo Kristof M. Nebre, mga mag-aaral ng Grade 5; at Zian Val D. Duco, Arjay P. Dela Cruz, Carl Dave P. Andres, Alradi B. Arumpac, Thyronne Kyle A. Chan, Cristofe Lee D. Ordoñez, at Nathaniel Robert Bautista, mga mag-aaral ng Grade 6.

Sa loob ng dalawang araw na pagsasanay, sasailalim ang mga kalahok sa iba’t ibang gawaing nakatuon sa leadership development, character building, citizenship training, community involvement, at self-reliance.

Layunin ng pagsasanay na matulungan ang mga Scout na maging higit na disiplinado, responsable, maparaan, at handang humarap sa iba’t ibang hamon, habang natututuhan nilang mamuno at makipagtulungan sa kanilang kapwa Scout.

Ang aktibidad ay bahagi rin ng pagpapatupad ng mga kinakailangang pagsasanay sa ilalim ng National Scout New Advancement Scheme ng Boy Scouts of the Philippines.

Binibigyang-diin nito ang kahalagahan ng aktuwal na pagsasanay upang higit na maihanda ang mga kabataan sa kanilang mga tungkulin bilang Scout at bilang responsableng bahagi ng komunidad.

Samantala, kinakailangang maging handa ang mga kalahok para sa buong dalawang araw na pagsasanay, kabilang ang pagdadala ng sapat na damit, sleeping gear gaya ng dome tent, banig at kumot, gayundin ng mga kagamitang kakailanganin sa pagkain.

Sa pamamagitan ng ganitong programa, patuloy na binibigyan ng pagkakataon ang mga kabataang Scout na matuto, mamuno, makipagtulungan, at maglingkod. Higit pa sa mga kasanayang natututunan sa training, layunin nitong ihanda ang mga kabataan na maging mabubuting halimbawa sa kanilang paaralan, tahanan, at komunidad.

Para sa 15 Scouts ng Burgos Central School, ang dalawang araw na pagsasanay ay hindi lamang isang aktibidad kundi isang mahalagang pagkakataon upang higit na mapalakas ang kanilang tiwala sa sarili, kakayahan sa pamumuno, disiplina, at diwa ng paglilingkod.

ang mga batang Scout! ⚜️🏕️
!

BURGOS CENTRAL SCHOOL EDUCATORS SHINE IN LD 5 PAMMADAYAWBURGOS, Isabela — Burgos Central School marked another proud mom...
31/08/2026

BURGOS CENTRAL SCHOOL EDUCATORS SHINE IN LD 5 PAMMADAYAW

BURGOS, Isabela — Burgos Central School marked another proud moment after three of its educators earned recognition in the LD 5 Pammadayaw last August 27, 2026 at Aurora, Isabela, highlighting their dedication and outstanding contributions to the teaching profession.

Leading the school’s awardees was Sharon E. Chan, who secured 1st Place in the Most Outstanding Teacher (Elementary) category. Her recognition reflects her commitment to providing meaningful learning experiences and maintaining high standards in classroom instruction.

Also bringing honor to the school was Mitzi A. Agtarap, EdD, who was named 1st Place in the Most Outstanding Teacher (ALS) category. The award recognizes her work and dedication in helping provide learning opportunities through the Alternative Learning System.

Meanwhile, Mirasol B. Garcia placed 5th in the Most Outstanding Master Teacher category, adding another distinction to Burgos Central School’s accomplishments in this year’s Pammadayaw.

The three recognitions are a source of pride for the entire Burgos Central School community and reflect the commitment of its teachers to their learners and to the continuing improvement of education.

More than the awards, their achievements serve as an inspiration to fellow teachers and learners—showing that dedication, hard work, and genuine service can make a lasting difference.

Congratulations, Sharon E. Chan, Mitzi A. Agtarap, EdD, and Mirasol B. Garcia. Burgos Central School is proud of you! 💚💛

Address

Caliguian
3322

Telephone

+639560297819

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Burgos Central School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Burgos Central School:

Shortcuts

Share