Alang-Alang Elementary School Brgy. Jose Rono, Calbayog City, Samar

Alang-Alang Elementary School  Brgy. Jose Rono, Calbayog City, Samar car line

PASASALAMAT SA TAGUMPAY NG PINK PANTHERS UNIT 4Buong pusong ipinapahatid ng Pink Panthers Unit 4 ang taos-pusong pasasal...
22/08/2026

PASASALAMAT SA TAGUMPAY NG PINK PANTHERS UNIT 4

Buong pusong ipinapahatid ng Pink Panthers Unit 4 ang taos-pusong pasasalamat sa mga g**o at kawani ng Quezon at Alang-Alang Elementary School sa kanilang walang sawang suporta, dedikasyon, at sama-samang pagsisikap na nagbigay-daan sa matagumpay nating paglahok sa District Meet.

To Ma'am Yhep Dimakiling Llaneta , maraming salamat po ma'am sa inyong 101% support kasama po din si Sir Sonny Labonite Cabrales at Ma'am Melanie Barandino Malabarbas .

Sa mga magulang ng Quezon at Alang-Alang na tumulong sa amin lalo na sa paghahanda ng mga pagkain ng mga atleta.

Ang tagumpay na ito ay bunga ng pagkakaisa, disiplina, at pagtutulungan ng bawat isa. Ipinagmamalaki naming ibahagi na kinilala ang Pink Panthers Unit4 bilang "Most Disciplined Delegation," isang karangalang kumikilala sa ating mataas na antas ng disiplina, paggalang, at tunay na diwa ng sportsmanship.

Higit sa lahat, buong pagmamalaki naming binabati sina Remalin Bello, na kuwalipikado sa Badminton Singles A, at Nikka Biala, na kuwalipikado sa Singles B, na kakatawan sa ating yunit sa nalalapit na CCAAM.

Nawa'y magsilbi kayong inspirasyon sa iba pang kabataang atleta. Ang pagkilalang ito ay tagumpay nating lahat—ng buong pamayanan ng Quezon at Alang-Alang Elementary School.

Aming ding pinapasalamatan ang lahat ng mga atleta sa Athletics, Chess, Arnis, Basketball, Badminton, na binigay ang kanilang buong puso upang manalo sa Distric Meet. Hindi man pinalad nakita natin na hindi na huli ang Quezon at Alang-Alang ES sa ranking natin ngayon.

Maraming salamat sa inyong tiwala, sakripisyo, at walang sawang suporta. Mabuhay ang Pink Panthers Unit 4!

District Meet 2026 🏅🏆We may celebrate victories through our skills in sports, but today, we are even more proud to be re...
22/08/2026

District Meet 2026 🏅🏆

We may celebrate victories through our skills in sports, but today, we are even more proud to be recognized as The Most Disciplined Delegates! 🩷🩷🩷🐾

Pink Panther, Unit 4, Alang-alang Cluster—This recognition is a reminder that being a great athlete is not only about talent and skills, but also about showing discipline, respect, and good character.

Congratulations, Pink Panther, Unit 4, Alang-alang Cluster! 🩷

📣 BRIGADA ESKWELA 2026 🇵🇭"Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman" Inaanyayahan ang lahat ng mga ...
31/05/2026

📣 BRIGADA ESKWELA 2026 🇵🇭

"Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman"

Inaanyayahan ang lahat ng mga g**o, magulang, mag-aaral, alumni, opisyal ng barangay, at mga miyembro ng komunidad ng Alang-Alang Elementary School na makiisa sa ating taunang Brigada Eskwela 2026.
Ito ang panahon ng bayanihan upang ihanda ang isang ligtas, malinis, at may kaayusang paaralan para sa ating mga mag-aaral!

📅 DETALYE NG KICK-OFF CEREMONY

Petsa: June 1, 2026 (Lunes)
Oras: 7:00 AM
Lugar: Brgy. Jose Rono Covered Court
(Tandaan: Ang aktibidad na ito ay magpapatuloy hanggang June 11, 2026)

🛠️ MGA AKTIBIDAD AT FOCUS AREAS
1. Clean-up Drive: Pagtanggal ng mga damo, pagwawalis, at pag-aayos ng hardin.
2.Minor Repairs: Pagkukumpuni ng mga sirang upuan, mesa, at pintuan ng silid-aralan.
3. Repainting: Pagpipinta ng mga dingding, pisara, at mga pasilidad ng paaralan.
4.Safety Inspection: Pagsisig**o na ligtas ang mga linya ng kuryente at tubero.

🧰 MGA GAMIT NA MAARING I-DONATE O DALHIN

Kung kayo ay pupunta, maaari kayong magdala ng mga sumusunod na kagamitan:

1.Pang-linis: Walis tingting, walis tambo, basahan, dustpan, at sako ng basura.
2. Pang-pinta: Paint brush, roller, at pintura
3. Kagamitan: Martilyo, pako, lagari, at screwdriver.

📞 PARA SA MGA KATANUNGAN AT DONASYON

page: Alang-Alang Elementary School
Email: [email protected]
Address: Oquendo 2 District, Calbayog City
Ang anunsyong ito ay nagsisilbi ring opisyal na imbitasyon para sa lahat.



Address

Purok 1, Brgy. Jose Roño
Calbayog

Opening Hours

Monday 6am - 8pm
Tuesday 6am - 8pm
Wednesday 6am - 8pm
Thursday 6am - 8pm
Friday 6am - 8pm
Saturday 6am - 8pm
Sunday 6am - 8pm

Telephone

+639568369138

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Alang-Alang Elementary School Brgy. Jose Rono, Calbayog City, Samar posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Alang-Alang Elementary School Brgy. Jose Rono, Calbayog City, Samar:

Shortcuts

Share