Filipino 10 ccnhs

Filipino 10 ccnhs

Share

Mga Aralin sa Filipino

Photos from CCNHS Sinagtala Filipino Club's post 19/08/2023
19/08/2023

Ang Calbayog City National Highschool Sinagtala Club ay nakikiisa sa paggunita sa ika-145 kapanganakan ni Manuel L. Quezon, ating alalahanin ang kaniyang mga naging tagumpay at ambag hindi lamang sa probinsya ng Quezon kundi maging sa buong bansa. Isa siya sa mga naging pangunahing boses na nagbigay-daan tungo sa isang malaya at makulay na kinabukasan, na naging bahagi ng makasaysayang pag-unlad ng Pilipinas.

Si Quezon ang unang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas at ang ikalawang pangulo rin ng bansa. Siya ay kinilala bilang "Ama ng Wikang Pambansa" nang kaniyang isulong ang pagpapalaganap ng wikang Tagalog bilang wikang pambansa.

17/08/2023

Anong 🤸‍♂️ hinihintay 🤸‍♂️ ng 🤸‍♂️ beshy 🤸‍♂️ ko?
Tara na, Buwan ng Wikang Pambansa na!

MGA PATIMPALAK NG SINAGTLA, MAGSISIMULA NA!!
Sabay-sabay nating tuklasin ang mga nag-aalab na programa’t patimpalak na siyang huhubog sa natatanging kakayahan at talento ng mga kagila-gilalas nating mga TATAK-CITY HIGH Tunghayan kung paano ito magsisilbing instrumento na hahasa sa talas ng isip, tatas ng pananalita, at ganda ng himig na tiyak din na susubok sa inyong determinasyon at tibay ng loob. Sabay-sabay nating tingalaan ang nagniningningang kagalingan ng bawat isa.
Itinatampok ng buong pamunuan ang APAT na online patimpalak na maaaring salihan ng lahat ng mga mag-aaral na may nag-aalab na adhikain at hangarin, bukas ito sa mga nais sumali na na mga mag-aaral ng Calbayog City National High School. Halina’t makilahok, mga ka-Sinag!

07/08/2022
Want your school to be the top-listed School/college in Calbayog?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Calbayog
6710