07/08/2024
Pagbati sa mga ISKO at ISKA ng Politeknikong Paaralan!
Isang masigabong palakpakan para sa inyong lahat! Sa bawat pawis, puyat, at sakripisyo, narito kayo ngayon, matagumpay na natapos ang ikalawang semestre ng taong ito. Ang inyong determinasyon at dedikasyon ay tunay na kahanga-hanga at dapat na ipagmalaki.
Para sa ating mga honorees at academic achievers, saludo kami sa inyo! Ang inyong tagumpay ay hindi lamang bunga ng inyong talino kundi pati na rin ng inyong sipag at tiyaga. Ang bawat mataas na marka at bawat pagkilala ay patunay ng inyong kahusayan at dedikasyon sa inyong pag-aaral.
Mahalagang alalahaninna ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa inyo kundi para sa inyong pamilya, mga kaibigan, at mga gurong sumuporta at naniwala sa inyong kakayahan. Patuloy ninyong gawing inspirasyon ang inyong mga nagawa at maging liwanag sa landas ng iba.
Maraming salamat sa inyong pagsusumikap at pagbibigay ng karangalan sa ating paaralan. Harapin natin ang mga susunod na hamon nang may lakas ng loob at patuloy na pagnanais na magtagumpay. Mabuhay kayo, mga Isko at Iska!
Maraming Salamat at Muli, Pagbati sa inyong Tagumpay!
Caption by Maria Kim Ira Apilado
Template by Paulo Metante