21/08/2025
ANNOUNCEMENT:📣📣
Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa gaganaping Kick-off Program ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program ng DepEd sa darating na Agosto 22, 2025 dito sa Mahabang Parang Elementary School!
Layunin ng ARAL Program na tulungan ang bawat batang Pilipino na makabawi at mas mapalakas ang kanilang kasanayan sa pagbasa, pagsusulat, at matematika—upang matiyak na walang batang maiiwan sa pag-abot ng pangarap.
Sama-sama nating suportahan ang adhikain ng edukasyon na abot-kamay at para sa lahat. Kitakits, ka-MPES! ❤️🙌