25/08/2026
โจCunalum Elementary School Induction and Ball 2026โจ
Isang masaya at makabuluhang gabi ang pinagsaluhan ng Cunalum Elementary School family sa isinagawang Induction and Ball noong August 20, 2026.
Naging pagkakataon ang pagtitipon upang palakasin ang samahan, pagkakaisa, at magandang ugnayan ng bawat isa. Higit sa lahat, naging espesyal ang gabing ito dahil sa presensya ng aming panauhing tagapagsalita, Mr. Roberto L. Durante, na nagbahagi ng isang makabuluhan at inspirasyonal na mensahe. Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa kanyang butihing asawa sa pakikiisa at pagiging bahagi ng aming espesyal na okasyon.
Sa mga Teaching at Non-Teaching Personnel, SELG & YES-O officers, sa Sanguniang Barangay, PTA Officers at sa mga magulang ng Cunalum ES, maraming salamat po sa inyong oras, suporta, at mga salitang nagbigay-inspirasyon sa aming lahat. Ang inyong presensya ay tunay na nakadagdag sa saya at kabuluhan ng aming pagdiriwang.
Ang Induction and Ball ay hindi lamang tungkol sa isang programa, kundi tungkol sa pagkakaisa, pakikipagkaibigan, at sama-samang pagharap sa mga bagong hamon at responsibilidad bilang isang pamilya sa Cunalum Elementary School.
"๐ข๐ฝ๐ป๐ธ๐ท๐ฐ๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ธ๐ฐ๐ฎ๐ฝ๐ฑ๐ฎ๐ป, ๐๐พ๐ฒ๐ต๐ญ๐ฒ๐ท๐ฐ ๐ช ๐๐ป๐ฒ๐ฐ๐ฑ๐ฝ๐ฎ๐ป ๐๐พ๐ฝ๐พ๐ป๐ฎ ๐ฏ๐ธ๐ป ๐๐พ๐ป ๐๐ฎ๐ช๐ป๐ท๐ฎ๐ป๐ผ"