21/07/2026
Isang malaking karangalan para sa Calauag National High School na ipagmalaki ang ating mag-aaral na si PRINCESS JEWEL M. ARINTOC na opisyal na nakapasok bilang Grand Finalist sa ginanap na Pacific Mall Idol: School Clash!
Ang iyong ipinamalas na husay sa pag-awit at dedikasyon ay tunay na nagbigay ng inspirasyon sa buong pamilya ng Calauag NHS. Patunay ito na ang kabataang Calauaguenyo ay may angking galing na pwedeng makipagsabayan saanman!
Ipinagmamalaki ka ng buong Calauag NHS Family! Ipagpatuloy mo ang pag-abot sa iyong mga pangarap! 👏🎶