Sa ganda ng karagatan,
isang nilalang ang kay gandang pag masdan,
siya'y walang dalawang paa,
ngunit parang isdang kay ganda,
ito'y mahirap kunin kahit anong paraan,
nililibot ang mundong karagatan,
nilalangoy ang buong katubigan.
Siya'y may boses na palaging napapansin,
mga mata nito'y mala buwan ang dating,
katawan nito'y maemahenasyon tukuyin,
kapangyarihan nito'y mahirap ilagin,
at ganda nito'y nakakabihag ang tingin.
Ngunit, mayroon ding babala,
tingin nito'y puwede kang mawala,
kamay nito'y ihahatak ka pababa,
boses nito'y nakakasira ng tanda,
at pinapatay nito ang mga bata.
Sa ganda ng karagatan, gusto mo paba ito tuklasan?
-Kaleidos
Just a teenage pretending to be a poet
Significant words thy does truly express its author, thus the soul of words' precisely inevitable.
Ako'y nag mahal ng isang tao,
tila ba hindi niya sineseryoso,
para bang kaibigan lang ang tingin niya rito,
ang pagmamahal ko'y higit pa sa salitang ito,
pag-ibig sa isang hamak ang humahatak,
sa loob ng pusong isa lang ang sangkap,
palaging nag-sasama ng pagkakataong palpak,
pag amin ng nararamdang naaapak.
- sebbastian
Di ko malaman ang nararamdaman ko,
Ng marinig ko ang ibinigkas mo,
Sa harapan ko at sa maraming tao,
Na para bang ako'y nag luha ng maraming bato.
Mga salitang iyong ibinigkas,
"Pasensyana" tila ba iba na ang wakas,
"Wala akong nararamdaman sayo" pangarap ko'y nadulas,
At Mundo ko'y parang wala ng bakas,
Sa kabila ng lahat nag papasalamat ako,
Sa mga ala-alang ibinigkas mo,
Dahil diyan Ako'y nakuntento sa iisang plano,
Ang mabuhay ng walang nagugulo.
- Siyasiya
Ting-ting-ting-ting,
kampana'y nag babanting,
umaga'y puno ng makikiting,
araw na natapos nang may aliw,
at pag asang nalulong sa tuliw,
Bumangon at gumalaw,
ang pag asang nalulong sa tula,,
dahil sa kanyang buhay na nabaha ng luha.
-Expresso
Magandang araw sainyo,
sana'y kami'y suportahan niyo,
di titigil kahit umabot ng ilang libo,
ang tulang minsa'y nakakalito,
ngunit may magagandang mensahe't tono.
-Sebbastian
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Laguna
Calamba
SHIOMAIRICE