Liceo de Calamba - Campus Youth Ministry

Liceo de Calamba - Campus Youth Ministry

Share

For Campus Ministry Use

21/05/2026

ACCESS: Answering Christ’s Call to Engage, Serve, and Support ✨

Get ready, Liceans! 📣 We are nearly approaching our SPDCSS Leadership Training 2026 with the theme of “ACCESS: Answering Christ’s Call to Engage, Serve, and Support”, happening on May 27-28, 2026 at Liceo de San Pablo. 💙

Together with the elected officers of the Supreme Elementary Learner Government, Supreme Secondary Learner Government, Campus Youth Ministry, and Peer Facilitator’s Guild, we aim to strengthen our leadership skills and embrace our calling as servant leaders who create positive change in the community. Come along as we meet new people and build meaningful friendships while growing as purpose-driven and Christ-centered leaders.

05/02/2026

𝐏𝐚𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐭𝐚 𝐤𝐚𝐲 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐚 𝐀𝐠𝐚𝐭𝐚, 𝐝𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐫𝐭𝐢𝐫

Si Santa Agatha ay isang dalagang namatay na martir ng relihiyon at ng kalinisan noong 250 sa Catania, Sicilia. Siya ay nagmula sa isang marangal at mayamang pamilya, ngunit mas pinili niyang ialay ang kanyang buhay at pagkadalaga sa Diyos.
Noong panahon ng pag-uusig sa mga Kristiyano, napansin siya ng isang makapangyarihang opisyal na nagngangalang Quinctianus, na nagnanais na mapasakanya si Agatha. Ngunit tumanggi si Agatha dahil siya ay tapat kay Kristo at nangakong mamumuhay nang malinis at banal.
Sa kanyang katapangan at sa biyayang mula sa Diyos, napagtagumpayan niya ang mga pakana ng kaaway na ibulid siya sa pagkakasala. Ipinag-utos ni Hukom Quinctianus na sugatan ang katawan ni Santa Agatha at tanggalin ang kanyang dibdib. Pagkaraan nito, inilagay siya sa baga hanggang sa siya'y malagutan ng hininga. Si Santa Agatha ang pintakasi ng mga nars.
“Santa Agatha, tagapagtanggol laban sa sunog at panganib, ipanalangin mo kami.”
𝐏𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐤𝐚𝐲 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐚 𝐀𝐠𝐚𝐭𝐡𝐚
O maluwalhating Santa Agatha,
matapang na dalaga at martir ni Kristo,
ikaw na nanatiling tapat sa Panginoon sa kabila ng matinding hirap at pagdurusa,
kami ay lumalapit sa iyo nang may kababaang-loob.
Ipanalangin mo kami sa Diyos,
upang kami’y bigyan ng lakas sa oras ng pagsubok,
katatagan sa pananampalataya,
at pusong handang sumunod sa kalooban ng Panginoon.
Santa Agatha,
ipagkaloob mo sa amin ang iyong proteksyon laban sa kapahamakan,
lalo na laban sa sunog at anumang panganib sa aming katawan at kalusugan.
Tulungan mo kaming manatiling dalisay sa isip at gawa,
at maging tapat sa Diyos hanggang wakas.
Hilingin mo para sa amin ang biyaya ng kapayapaan sa aming tahanan,
pagkakaisa sa aming pamilya,
at pag-ibig na nagmumula kay Hesus.
Santa Agatha, ipanalangin mo kami.
Amen.

04/02/2026

Come and Join LICEANS to our Lakbay Panalangin.
Inaanyayahan namin ang ating mga mag aaral na makiisa sa ating Spiritual Activity sa ika-27 ng Pebrero, 2026

27/12/2025

December 27: Saint John the Apostle and Evangelist—Feast

Evangelist, Apostle, Theologian
Born
Between c. AD 6–9
Died
c. AD 100 (aged c. 92)[1]
Venerated in
Roman Catholic Church

Patron Saint of arms manufacturers, art dealers, authors, basketmakers, bookbinders, booksellers, publishers, butchers, candlemakers, compositors, editors, engravers, friendships, glaziers, government officials, harvests, lithographers, notaries, painters, papermakers, printers, saddlemakers, scholars, sculptors, theologians, and winemakers
Invoked against burns, epilepsy, foot problems, hailstorms, and poisoning
Pre-Congregation canonization

Saint John the Apostle is believed to be the author of the Gospel of Saint John, three letters in the New Testament—John 1, 2, 3— and the Book of Revelation. In the Gospel attributed to him, he refers to himself as “the one whom Jesus loved” (John 13:23; 19:26; 20:2; 21:7). Tradition holds that he outlived the other Apostles, dying around AD 101, the only Apostle who died of natural causes.

01/11/2025

PANALANGIN PARA SA MGA YUMAO: PAGDALAW SA PUNTOD SA UNDAS

PAMBUNGAD: Sa ngalan ng Ama… Narito ako sa lupa kung saan nakalagak ang labi (mortal remains) ng aking mga minamahal sa buhay (magulang, pamilya, kamag-anak, kaibigan o kapatid sa pananampalataya), na nauna na sa akin sa buhay na walang hanggan. Ano ba ang magagawa ko para sa kanila? O Banal kong HESUS, na nagdusa at namatay nang buong pag-ibig upang tubusin ako ng Iyong Mahal na Dugo para sa buhay na walang hanggan: Alam kong buhay Ka at nakikinig sa aking mga pagsamo at ang biyaya ng katubusan Mo ay nag-uumapaw, kaya nga patawarin Mo, O lubhang Maawaing Diyos ang mga kaluluwa ng mga minamahal kong yumao; Palayain Mo po sila sa mga pagdurusa at hilahil at yakapin sila sa bisig ng iyong dakilang kabutihan at sa kalipunan ng mga anghel at mga santo, upang malaya, sa lahat ng pait at hinagpis, magpuri sila, magtamasa at maluklok sila sa Paraiso kasma Mo sa kaluwalhatian, sa pamamagitan ni Kristo, sa kaisahan ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. Amen. 3 Ama Namin, 3 Ave Maria, 3 Luwalhati para sa mga kahilingang sumusunod: 1. Mga Kaluluwa sa Purgatoryo na walang nakaka-alala… 2. Mga Kaluluwa sa Purgatoryo na higit ang paghihirap… 3. Mga Kaluluwa sa Purgatoryo na pinakamatagal nang nananatili doon… 4. Lahat ng mga Kaluluwang nasa Purgatoryo pa rin hanggang ngayon… MGA NATATANGING PANALANGIN: PARA SA MGA MAGULANG NA YUMAO: O PANGINOONG DIYOS, NA NAGSUGO SA AKIN UPANG PARANGALAN ANG AKING AMA AT INA; KALUGDAN AT KAAWAAN MO PO ANG KANILANG KALULUWA; PATAWARIN SILA SA MGA KASALANAN AT TANGGAPIN BALANG ARAW SA LIGAYA NG IYONG WALANG HANGGANG LIWANAG, SA PAMAMAGITAN NI KRISTONG PANGINOON. AMEN. PARA SA MGA KAMAG-ANAK AT KAIBIGANG YUMAO: O PANGINOONG DIYOS NA NAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN AT NAGKAKALOOB NG KALIGTASAN SA TANAN, NAGSUSUMAMO KAMI SA IYONG AWA NA KALUGDAN ANG MGA KAPATID, KAMAG-ANAK, TAGAPAGTAGUYOD, AT KAIBIGAN NA YUMAO UPANG, SA TULONG NG MGA PANALANGIN NG MAHAL NA BIRHENG MARIA AT MGA SANTO, GAWIN MONG MASUMPUNGAN NILA ANG PAKIKILAHOK SA IYONG WALANG HANGGANG PAGPAPALA, SA PAMAMAGITAN NI HESUKRISTONG ANAK MO, KASAMA NG ESPIRITU SANTO, MAGPASAWALANG HANGGAN. AMEN. PARA SA ISANG MINAMAHAL NA YUMAO: ISALOOB MO PO, O MAKAPANGYARIHANG DIYOS, NA ANG KALULUWA NG IYONG LINGKOD NA SI __________, NA PUMANAW MULA SA MUNDONG ITO PATUNGO SA KABILA, AY MAPADALISAY NG MGA SAKRIPISYONG ITO UPANG MALAYA SA KASALANAN, MAKAMTAN NIYA ANG KAPATAWARAN AT PAHINGANG WALANG HANGGAN, SA PAMAMAGITAN NI KRISTONG AMING PANGINOON. AMEN. PARA SA LAHAT NG MGA YUMAO: O DIYOS NA LUMIKHA AT MANUNUBOS NG LAHAT, IPAGKALOOB MO PO SA MGA KALULUWA NG IYONG MGA LINGKOD ANG KAPATAWARAN NG KANILANG MGA KASALANAN, UPANG SA MAPAGPAKUMBABANG PAGSUMAMO NG SIMBAHAN, MAKAMTAN NILA ANG KAPATAWARANG INAASAM, SA PAMAMAGITAN NI KRISTO KASAMA MO AT NG ESPIRITU SANTO, IISANG DIYOS, MAGPASAWALANG HANGGAN. AMEN. SA NGALAN NG AMA…

31/10/2025

PASIMULA

Namumuno: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, + at ng Espiritu Santo.
Bayan: Amen.

Namumuno: Purihin ang Diyos na bumuhay na muli kay Hesukristo.
Bayan: Purihin at ipagdangal ang Diyos magpakailanman.

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga- Corinto (2 Corinto 5:1-5)

Talos natin na kapag nasira ang toldang tinatahanan natin ngayon, ang ating katawang-lupa, tayo’y may tahanan sa Iangit, hindi nasisira, isang tahanang ginawa ng Diyos, hindi ng tao.

Dumaraing nga tayo sa tirahan nating ito at Iabis nating pinanabikan ang tahanang panlangit upang kung maibsan na tayo nito, hindi tayo matatagpuang hubad. Habang tayo’y nakatira pa sa toldang ito – sa katawang-lupa – tayo’y namimighati’t dumaraing, hindi upang mawala ang katawang panlupa kundi upang mapalitan ng katawang panlangit. At sa gayon, ang buhay nating may katapusan ay mapapalitan ng buhay na walang hanggan. Ang Diyos na rin ang nagtalaga sa atin para sa pagbabagong ito at ipinagkaloob niya sa atin ang Espiritu bilang katunayan na babaguhin niya tayo.

Ang Salita ng Diyos.

Bayan: Salamat sa Diyos.

PAGNINILAY

PANALANGIN NG BAYAN

Namumuno: Kinikilala natin si Kristong Panginoon na siyang ating inaasahan upang ang ating marupok na katawa’y matulad sa kanya sa kaluwalhatian. Ating wikain:

Panginoon, ikaw ang aming buhay at muling pagkabuhay.

O Kristong Anak ng Diyos, na bumuhay kay Lazaro na iyong kaibigan, mula sa mga patay: buhayin at luwalhatiin ang mga yumao na iyong tinubos sa pamamagitan ng iyong dugong banal. Manalangin tayo.

O Kristong tagapag-aliw sa mga nagdadalamhati, pinahiran mo ang mga Iuha ng angkan ni Lazaro: aliwin ang nagdadalamhati dahil sa mga yumao. Manalangin tayo.

O Kristong Tagapagligtas, wasakin ang paghahari ng kasalanan sa aming katawang makasanlibutan upang matamo namin sa pamamagitan mo ang walang hanggang buhay.Manalangin tayo.

O Kristong Manunubos, tunghayan ang mga walang pag- asa dahil hindi ka nakikilala. Makatatanggap nawa sila ng pananampalataya sa muling pagkabuhay at sa buhay na walang hanggang buhay. Manalangin tayo.

Ipinahayag mo ang iyong sarili sa isang taong bulag na humuhingi sa iyo ng liwanag para sa kanyang mga mata. Ipakita ang iyong mukha sa mga namatay na pinagkaitan ng iyong Iiwanag. Manalangin tayo.

Kapag dumaiing na ang panahong maglaho na ang aming pansamantalang tirahan sa sanlibutan, bigyan kami ng isang tahanang di tulad ng gawa sa Iupa, kundi tirahang walang hanggan doon sa kalangitan. Manalangin tayo.

Namumuno: Manalangin tayo bilang isang angkan ng Diyos kay Hesukristo na ating Panginoon.
Bayan: Ama Namin…

PAGBABASBAS

Namumuno: Panginoong naming Diyos na walang katapusan, ang habag mo ay walang hanggan. Lagi mong ipaalaala sa amin na maikli ang buhay at ang oras ng kamatayan ay Iingid sa aming kabatiran. Gabayan sana ng iyong Banal na Espiritu ang mga araw namin sa mundong ito upang Iagi naming tahakin ang daan ng kabanalan at katarungan. Kaisa ng iyong simbahan, mapaglingkuran ka sana namin sa matinding pananampalataya, matatag na pag-asa at sa pag-ibig na ganap. At sa pagwawakas ng aming paglalakbay sa daigdig na ito,akayin mo kami nang may galak patungo sa iyong kaharian, kung saan ka nabubuhay magpakailanman.

Bayan: Amen.

(Maaaring wisikan ng Banal na Tubig ang puntod.)

Namumuno: Pagkalooban mo sila ng kapayapaang walang hanggan.
Bayan: Silayan mo sila ng liwanag na walang katapusan.
PANALANGIN SA PAGDALAW SA PUNTOD:

Namumuno: Mapanatag sila sa kapayapaan.
Bayan: Amen.

Namumuno: Kahabagan ng Diyos ang kanilang kaluluwa at ng lahat ng mga mananampalataya, at mapanatag sila sa kapayapaan.
Bayan: Amen.

(Ang lahat ay mag-aantanda ng Krus sa pagwawakas ng Namumuno.)

Namumuno: Sa kapayapaaan ng Diyos, + atin sanang matanto ang dakilang pag-ibig niya at ng kanyang Anak na ating Panginoon Hesukristo.

Bayan: Amen.

(Maaaring isunod ang pagdarasal ng Santo Rosaryo.)

22/10/2025

St. John Paul II (born May 18, 1920, Wadowice, Poland
—died April 2, 2005, Vatican City;
beatified May 1, 2011;
canonized April 27, 2014;
feast day October 22) was the pope, the bishop of Rome and head of the Roman Catholic Church, from 1978 to 2005. He was the first non-Italian pope in 455 years and the first from a Slavic country. His pontificate of more than 26 years was the third longest in history. As part of his effort to promote greater understanding between nations and between religions, he undertook numerous trips abroad, traveling far greater distances than had all other popes combined, and he extended his influence beyond the church by campaigning against political oppression and criticizing the materialism of the West.

Pope facts
Pope facts Discover fascinating facts about popes throughout the history of the Roman Catholic Church.
He also issued several unprecedented apologies to groups that historically had been wronged by Catholics, most notably Jews and Muslims. His unabashed Polish nationalism and his emphasis on nonviolent political activism aided the Solidarity movement in communist Poland in the 1980s and ultimately contributed to the peaceful dissolution of the Soviet Union in 1991. More generally, John Paul used his influence among Catholics and throughout the world to advance the recognition of human dignity and to deter the use of violence. His centralized style of church governance, however, dismayed some members of the clergy, who found it autocratic and stifling. He failed to reverse an overall decline in the numbers of priests and nuns, and his traditional interpretations of church teachings on personal and sexual morality alienated some segments of the laity. His lack of effective response to the first stirrings of the clergy sexual abuse crisis also tarnished his legacy in the eyes of many abuse survivors in the 21st century.

Photos from Liceo de Calamba - Campus Youth Ministry's post 22/10/2025

Feast of St. John Paul II, Patron Saint of Liceo Schools.
SAINT JOHN PAUL II, Pray for Us.
The Faculty, Administrators and non teaching Personnel and some of the Junior and Senior High School Students attend aan online Mass in Honor of Our Loving Patron ST. JOHN PAUL II. The SPDCSS PATRON SAINT.

Photos from Liceo de Calamba - Campus Youth Ministry's post 21/10/2025

bukas po ay Feast day ni St. John Paul II, inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa online gaganaping misa s SPDCSS Chapel at 9am

21/10/2025

MAGSUOT NG PUTI tuwing Linggo ng Oktubre at Nobyembre sa pagdalo ng Banal na Misa. Tahimik na panawagan ng pananampalataya laban sa katiwalian, para sa pagsisisi ng bayan, at sa mga nasalanta ng kalamidad. 🙏

Photos from Liceo de Calamba - Campus Youth Ministry's post 21/10/2025

The Culminating of the Rosary Devotion. During the Feast of Our Lady of the Holy Rosary Liceo de Calamba students and teacher join together in Praying the Holy Rosary and offering of Flowers. We also join on the call of CBCP on the NATIONAL DAY OF PRAYER AND PUBLIC REPENTANCE, and to a ONE MILLION CHILDREN PRAYING THE HOLY ROSARY an invitation from CEAP, a worldwide community of prayer.

Want your school to be the top-listed School/college in Cebu City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address

Cebu City
4027