01/06/2026
๐ข ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐-๐๐
๐
๐๐ ๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ซ๐
June 1, 2026
๐๐๐๐๐๐๐: Matagumpay na sinimulan ng Bubuyan Elementary School ang Brigada Eskwela 2026 nitong Hunyo 1, 2026 sa pamamagitan ng isang masigla at makulay na motorcade na nagsilbing hudyat ng sama-samang paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng klase. Dinaluhan ito ng iba't ibang sektor ng komunidad na nagpakita ng kanilang suporta at pakikiisa sa adhikain ng paaralan na makapagbigay ng ligtas, malinis, at maayos na kapaligiran para sa mga mag-aaral.
Pinangunahan ng Sangguniang Barangay ng Bubuyan, sa pangunguna ni Brgy. Chairman Kgg. Madell Donna C. Manaig kasama ang mga konsehal ng barangay, ang pagpapakita ng kanilang buong suporta sa programa. Nagbigay rin ng makahulugang mensahe si Dr. Oscar R. Duma, Jr., PSDS ng Cluster 6, kung saan kanyang binigyang-diin ang kahalagahan ng bayanihan at pagtutulungan ng paaralan at komunidad sa pagtataguyod ng dekalidad na edukasyon. Nakilahok din sa gawain ang iba't ibang civic organizations, gayundin ang mga kinatawan mula sa Office of the Mayor at Office of the Vice Mayor.
Sa kanyang bahagi, ibinahagi ni G. Gareth Robert M. Prondoza, School Head ng Bubuyan Elementary School, ang mga nakalatag na gawain para sa limang araw na implementasyon ng Brigada Eskwela. Kabilang dito ang paglilinis ng kapaligiran, pagkukumpuni at pagpapaganda ng mga pasilidad, at iba pang mga aktibidad na maghahanda sa paaralan para sa School Year 2026โ2027.
Ang matagumpay na pagsisimula ng Brigada Eskwela ay patunay ng matibay na ugnayan at pagkakaisa ng paaralan, lokal na pamahalaan, mga organisasyon, mga magulang, at iba pang stakeholders. Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta at pakikiisa. Sama-sama nating ihanda ang paaralan para sa isang matagumpay at makabuluhang taong panuruan!